Chapter 39: Miel

2054 Words

"So, anong meron at isasama mo ako sa kompanya ngayon?" tanong ko kay Gael na seryosong nagmamaneho. "Wala. Hindi ba sabi mo, na naiinis ka dahil nabitin ka kanina?" sagot niya at saglit akong sinulyapan. Tinaasan ko s'ya ng isang kilay habang nakahalukipkip. Na-a-amused ako sa sa sinabi niya. "Oh? Ano naman ngayon? Anong kinalaman ng pagkabitin ko at magkakaroon tayo ng biglang training sa kompanya? Hindi mo man lang ako pinagpahinga, kakatapos lang ng graduation ko kahapon pero heto at kasama mo ako ngayon para magtrabaho," sabi ko. "Relax! Chill ka lang baby. Hindi kita isinama para pagtrabahuhin sa kompanya. Alibi ko lang iyon kina Mommy kanina para hindi sila makahalata," sagot niya na nakangiti. "Alibi? Bakit, ano ba talaga ang gagawin natin sa kompanya?" curious na tanong ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD