Chapter 40: Gael

2063 Words

Napahawak ako sa gilid ng aking labi habang nakaupo sa sahig. Mabilis akong natumba rito ng sapakin niya ako. Nabigla ako kaya medyo masama ang pagkakasapak n'ya sa akin. Napasulyap ako kay Miel, na napasigaw pa kanina dahil sa pagkabigla. Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha para sa akin. Nginitian ko s'ya para ipaalam na ayos lang ako. Natsambahan lang talaga ako ng ugok na Anton na 'to, dahil kung hindi, hindi naman niya ako kayang patumbahin ng isang sapak lang. Nakita kong susugod na naman si Anton sa akin kaya mabilis akong tumayo at naghanda. Bago pa man lumapat ang kamao n'ya sa akin ay binigwakas ko na agad s'ya sa mukha pero dahil mukhang malakas din ang resistensya n'ya hindi ko s'ya napatumba. Sumugod s'ya ulit sa akin pero nakipagsabayan ako sa kanya. "Tumigil na kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD