"Manang, alis na po ako," paalam ko kay Manang pagkababa ko ng hagdanan namin. Nakaupo pa rin s'ya sa couch kung saan ko s'ya iniwan kanina para umakyat sa kwarto ko at magbihis. Isang tango lang ang isinagot niya sa akin kasabay ng mabilis na pag-iwas ng kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Napabunga ako ng marahas na paghinga dahil doon. Kanina pa n'ya ako hindi kinakausap pagkatapos ng pag-uusap namin kanina, pagkatapos ng pag-amin ko sa katotohanan sa kanya. Naglakad na ako palabas ng bahay na napapailing. Kung ganito na ang reaksyon ni Manang na hindi naman namin kaano-ano paano pa kaya ang reaksyon ng mga magulang ko? Baka kapag nalaman nila, kulang na lang siguro ay itakwil nila ako dahil sa matinding galit at disappointment na nararamdaman sa ginawa ko. Nagmaneho ako pa