"Hijo," napaangat ako ng tingin nang magsalita si Mommy. Dumating na pala si Gael. Hindi s'ya pumasok ngayon sa kompanya dahil ngayon ang labas ng result ng DNA test na ipinagawa niya kinabukasan pagkatapos ng nangyari na paghaharap namin ng tunay kong ina at sabihin niyang mag-ama kaming dalawa. Tatlong araw pa lang ng magpakuha kami ng DNA pero ngayon nandito na agad ang resulta. Mabilis lang pala ang resulta ng test na 'yun akala ko inaabot iyon ng buwan, hindi pala. "Gael, dala mo na ba ang resulta? Ano? Negative naman, hindi ba? Nagsisinungaling lang si Mama, 'di ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Hindi talaga ako naniniwala na mag-ama kaming dalawa, dahil wala naman lukso ng dugo akong naramdaman sa kanya simula noon hanggang ngayon. Naniniwala ako na gusto lamang sirai