"Sir Gael," tawag ni Rica sa akin kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya mula sa binabasa kong papeles. "Yes, Ric? May kailangan ka?" tanong ko sa kanya. Napakamot s'ya sa kilay n'ya habang nakangiti ng bahagya. "Hmm, papaalam po sana ako sa inyo na magbe-break na ko ngayon." Napatingin naman ako sa relong suot ko. Alas onse pa lang ng umaga. "Maaga pa ah, bakit?" "Gutom na kasi ko sir, hindi ako nag-almusal kanina," sagot niya. "At bakit naman?" tanong ko kahit may idea naman na ako kung bakit. "Alam nyo na po. Puyat, nasa bahay si jowa," sagot niya. Tss! Sabi na eh, tama ako. Hindi s'ya nakapag-almusal dahil pinuyat na naman ng boyfriend niya. "Sige na. Go na. Kumain ka ng madami ng makabawi ka naman. Tigil-tigilan mo na 'yang pagpapagalaw sa jowa mo at baka mabuntis ka," sa