"Congratulations ulit. Ingat kayo pauwi," ani Cynthia sa amin nang hinatid pa n'ya kami palabas ng kwarto kung saan s'ya nagche-check up ng mga pasyente. Kung hindi lang sa itsura ng mukha n'ya, maniniwala na sana ako na masaya nga s'ya para sa amin ni Gael, dahil tama ang hinala namin na buntis ako. Kaso, 'yung mukha n'ya taliwas sa lumalabas sa bibig niya. Maga iyon na akala mo nasapak ng isang lasing sa kanto. Tss! Yes, I'm pregnant! Dinadala ko ang anak ng taong mahal ko at mahal ako. Sobrang saya nga namin kanina nang sabihin niya sa amin na positive ang test results. "Thank you," puno ng ka-plastic-an na sagot ko. Ngiting-ngiti ako sa kanya para lalo s'yang asarin at ipamukha sa kanya na 'yung lalaking gustong-gusto n'ya noon at pinapantasya pa din hanggang ngayon ay nasa akin na