"It's the f*****g demon's doing," nagngingitngit na sabi ni Alvin habang nararamdaman ang paligid na dahan-dahang nababalutan ng kadiliman. "I don't think this night is something usual, Titus. This was way darker than our past mass harvest. I can feel it," sabi ni Alvin na ikinaseryoso naman ni Titus kapagkuwan ay tahimik na pinalitaw ang kaniyang karit sa kaliwa niyang kamay. Patuloy ang sigawan ng tila mga mortal na takot na takot kasabay nang malalakas at sunod-sunod na putok ng mga baril at tawanan ng mga kalalakihan na nasisigurado ni Titus ay kasamahan ng mga lalakeng armado na sinusubukan din biktimahin ang kapatid ni Alvin kanina lang. "Your sister..." biglang sabi ni Titus na agad naman ikinalingon ni Alvin sa kaniya. "Is she going to be okay going out of here alone?" tanong

