Hindi alam ni Titus kung ilang beses na siyang napamura habang patuloy na umaatake sa mga demonyo naka-anyong mga kaluluwa. Maging si Alvin ay patuloy na naririnig ni Titus na napapamura dahil sa tila hindi maubos na demonyong lumalapit sa kanila. Malakas na sigaw ng isang lalake ang kanilang narining at nang mapalingon sila sa isang direksyon kung sino ang nagmamay-ari ng sigaw na iyon, pareho silang natigilan. Nanlalaki ang mata ni Alvin sa galit habang si Titus naman ay natulos sa kaniyang kinatatayuan habang pinapanood si Matthew na ngayon ay hawak ng mga kaluluwa. Hawak ng apat na demonyo ang magkabilang kamay at paa ni Matthew kapagkuwan ay malakas na hinila ng isang demonyo ang kanang kamay ni Matthew na nagdulot para bigla na lamang mahugot iyon mula sa katawan ni Matthew na na

