"Then I guess... you are heard?" tanong ni Titus pagkatapos makinig sa kuwento ni Leila. "Right, Leila?" Nakayukong umiling-iling si Leila habang may mga luhang dumadaloy mula sa mga mata nitong pinapakita ang naging paghihirap nito. Titus can tell. Nakikita niyang sobrang nasasaktan si Leila at habang nakikita niya na nasa gano'ng estado si Leila, unti-unti na rin niyang naiintindihan ang ibig sabihin nito na mas lalo lang nitong masasaktan ang kaibigan niyang si Larid. Leila is a mortal after all. Naiintindihan niya ang nararamdaman nitong galit. Naiintindihan niya na naging biktima ito ng malupit na pamumuno ni Larid sa mga tao at sa sarili nitong kaharian ilang daang taon na ang nakakalipas. Leila's anger is valid. Pero ramdam ni Titus na nabura na sa pagkatao ni Leila ang galit nito

