Matapos na sabihin iyon ni Leila, malakas na tumawa ang estranghero. Tch! Hindi alam ni Leila kung nababaliw na ang estrangherong nasa kaniyang kuwarto. Sa pagtawa nito, muli lamang bumalik sa kaniyang sistema ang kilabot na kaniyang nararamdaman. Kakaiba rin ang dulot ng pagtawa ng estranghero dahil habang patuloy itong tumatawa, pakiramdam ni Leila ay nanghihina rin ang kaniyang katawan. Naguguluhan si Leila habang patuloy na pumapasok sa kaniyang tainga ang malakas na tawa ng estranghero. Pakiramdam niya ay dahan-dahan siyang nawawalan ng lakas habang nararamdaman sa kaniyang buong kuwarto ang lamig na nararamdaman niyang bumabalot din sa kaniyang katawan. "Leila, Leila," ani estranghero na para bang natutuwa ito sa nakikitang nangyayari sa kaniya. "Matalino ka para sa isang tagasi

