"Base sa boses mo, alam kong mas matanda ka na kaysa sa akin. Ikaw na dapat mismo ang nakakaalam na hindi tama ang nakikinig sa pinag-uusapan ng iba, kung sino ka man. Mali rin ang basta-basta na lang pumapasok sa kuwarto ng iba, lalo na at kung kuwarto iyon ng isang babae," galit na sabi ni Leila habang malakas na kumakabog ang kaniyang didbdib. "Kung gano'n..." Saglit na tumigil ang estranghero na nasa kuwarto ni Leila bago ito nagpatuloy sa pagsagot. "... pagpasensiyahan mo na kung ginawa ko ang bagay na ito. Mali ang ginawa ko, hindi ko lang mapigilan ang sarili kko na tumulong sa gusto mo, Leila." "Hindi ko kailangan ng tulong mo. Kung sino ka man, umalis ka na bago pa ako tuluyang sumigaw at ipahuli ka sa mga kawal," pananakot niya sa estranghero ngunit sinagot lang siya ito nito

