"Ngayon, kung gusto niyong mailigtas ang babaeng sinasabi niyo para mapigilan ang kaibigan niyo at ang pamumuno niya sa Purification, hindi lakas at kapangyarihan ang kailangan niyo dahil kahit sino, puwede maging malakas at makapangyarihan. Ang kailangan niyo sa mga oras na ito at para mailigtas ang babaeng iyon ay swerte," sabi ni Alvin na ikintingin ni Titus. Nanatiling tahimik si Titus habang sinasalubong ang tingin ni Alvin na hanggang ngayon ay nakaguhit ang pagkaseryoso sa mukha. "Wala akong pakialam kung maniwala kayo sa akin o hindi. Wala rin akong pakialam kung maging matagumpay kayo sa gagawin niyong pagligtas sa babaeng iyon o hindi. Hindi rin naman ako sigurado kung magiging ligtas ang lahat..." wika ni Alvin na nakayuko at tila may inaalala na ikinakunot naman ng noo ni T

