"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot ang noo na tanong ni Titus habang nakatingin kay Alvin na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanilang dalawa ni Kellan. "Hindi ba at tinatanong kita kung ano ang nararamdaman mo habang nandito tayo?" ani Alvin na sinagot naman ng pagtango ni Titus. "And what about it?" naguguluhang sabat ni Kellan pagkatapos ay pabalik-balik na tumingin sa kanilang dalawa. "Anong nararamdaman?" "Those mortals who's slowly dying. Dapat ay nararamdaman mo na ang dahan-dahan nilang pagkamatay sa mga oras na ito. There's a ton of them dying right now anyway," sagot ni Alvin kapagkuwan nagkibit-balikat na para bang wala itong pakialam. "Ang ibig mo bang sabihin ay kasama si Leila sa mga mortal na dahan-dahang namamatay sa mga oras na ito?" naniniguradong tanong ni Titu

