Sa bawat minutong lumilipas, hindi magawang mapakali ni Titus habang patuloy niyang nakikita ang pagdating ng mga kapwa niya grim reaper mula sa iba't ibang dibisyon. Kagaya ng pagsali niya sa pangongolekta noong World War, naaalala niya pa kung gaano sila karaming mga grim reaper ang present para kolektahin ang dami ng mga kaluluwa na mula sa mga nangamatay na sundalo. At kagaya ng nakikita niya ngayon, tila isang gyera ang nagbabadya para dumalo ang mga grupo ng grim reaper mula sa iba't ibang dibisyon na kaniyang kilala. Napabuga ng malalim si Titus habang nararamdaman ang hindi normal na pagtibok ng kaniyang puso. Gusto na sana niyang kumilos at pumasok sa loob ng warehouse ngunit hindi siya puwedeng kumilos ng padalos-dalos lalo na't maraming makakakita sa gagawin niya. Kung totoosi

