"Come on, everyone," biglang sabi ng isa sa mga kasamahan nila Titus habang ang tila nagbabagang mata ni Alvin ay hindi pa rin umaalis kay Titus, bagay na kaniyang ikinailang. Lumapit si Titus sa mga kapwa niya kasamahan na ngayon ay tila nagtitipon habang ang mga mukha nito ay pareho-parehong walang mga emosyon. Lahat sila ay tahimik habang hinahantay ang isang squad leader na magsalita. "The killing isn't finished yet. There will be more deaths in the city as those mortals who are under the control of a demon brought the killings in the city," sabi ng squad leader na ikinagulat ni Titus. There will be more deaths? Akala ni Titus ay tapos na ang p*****n. Akala niya ay tapos na kasamaan na dulot ng demonyong nagawang biktimahin rin ang kaibigan ni Phoebe. "More dispatch will come and

