But Thanatos proved him wrong. Pinatunayan ng Diyos ng kamatayan na hindi niya kailangan ng armas dahil wala itong balak na makipaglaban sa kaniya. Iangat niya pa lamang ang karit ay lumipad na ito papunta sa kamay ni Thanatos na bahagya niyang ikinalaki ng mata. Ngumiti si Thanatos sa kaniya habang si Titus naman ay kinakabahan sa kung ano ang balak na gawin ni Thanatos sa pagmamay-ari niyang karit. Ilang taon na niyang gamit iyon at kahit kailan ay hindi niya iyon nasira o napalitan. He has been using it since it was forged and given to him. Lagi siyang successful sa kaniyang trabaho at sa sobrang effective niyang magtrabaho, kahit kailan ay hindi nasira ang kaniyang karit hindi kagaya ng ilan sa mga grim reaper na hindi napapasama sa pagiging ace grim reaper. Their scythe can be

