"Sabihin mo na ngayon, ano ang deal na sinasabi mo?" seryosong tanong ni Titus kapagkuwan ay napabuntong-hininga. "I don't think I can't go on for hours, still clueless of everything I needed to know." "Hindi ito ang tamang oras para malaman mo ang mga dapat mong malaman, Mr. Dimitriadis. I may want to reveal everything about your past and death, but that is not how everything works in this world, in every world," segunda ni Thanatos na kaniya namang malalim na ikinabuntong-hininga. So that's how it is. Sa bibig mismo ng Diyos ng kamatayan nanggaling na gusto siya nitong iligtas. Ang ibig sabihin lang rin no'n ay gusto siya nitong tulungan, ngunit ang tulong na ibinibigay sa kaniya ni Thanatos ay hindi niya gusto. Iba ang gusto niyang tulong. Ang gusto niya ay hindi na siya magmukhang

