Ang huli niyang narinig na balita kay Billy ay naging comatose ito. Nang gumaling din ang lalaki, napag-alaman na nagkaroon ito ng amnesia. She's satisfied that Billy does not remember. Atleast hindi na siya nito kilala.
Wala na rin naman siyang balak maging kaibigan ito kung kaya't hindi niya ito pinapansin tuwing nasa labas ito at nanonood sa mga batang kapitbahay nila.
The third entry she wrote was the one that made her realize her diary might have magic.
Of course, at first bago niya maisipang may nababalot na mahika sa diary niya, hindi siya naniniwala sa mahika. She's not into fantasy kaya maging ang laruan niyang barbie na may hindi mabilang na kuwentong pantasya ay hindi niya pinapansin.
Hindi siya kagaya ng ibang batang babae na kung saan favorite ang laruang barbie. She was more like into arts.
About coloring books, remembering all artist's legendary works like Da Vincis and Michaelangelo's artwork. She loves colors.
She loves mixing them. Maging ang mga sikat na pintor na naitalaga sa history ng sining ay kabisado na niya maging ang mga likha nito.
Who made her so angry to write an entry in her diary was no other than Mori. Ang Mayordoma ng mansyon ng mga Rhoades.
Matapos magtapat ng Dad niya sa kaniya, nagbago ng pakikitungo sa kaniya ang Mayordoma. Naging mabagsik ito sa kaniya. Kung wala ang Dad niya, may mga oras na bigla bigla siya nitong sasaktan dahil sa maliit na bagay. May mga moment din na bigla bigla siya nitong kakausapin at pagsasalitaan ng masama kagaya ng ginagawa ng Stepmother niyang si Francheska.
Kung gaano kasakit ito manalita, ganun din kalabis ang ibinibigay nitong pisikal na sakit sa kaniya.
Kahit gusto niyang magsumbong ng mga oras na iyon, hindi niya magawa lalo na't kakaalam niya lang na Ina niya pala ang Nanny niyang tunay na nag-alaga sa kaniya. Kung kaya't pakiramdam niya ay wala siyang lugar para sa mansion ng mga Rhoades.
Pakiramdam niya ay wala siyang kakampi. Hindi niya magawang kausapin ang Dad niya tungkol sa nangyaring pananakit sa kaniya kung kung kaya't mas pinili niyang ilabas ang sama ng loob niya sa pagsusulat ng entry sa kaniyang Diary.
Dear Diary,
I am hurt so bad. Mori has been hurting me. She keeps treating me badly. Lagi siyang galit. Lagi niya akong sinisinghalan kahit wala naman akong ginagawang mali. Isang buwan na wala si Dad at Francheska and even if I can't really rely on, I feel out of place. Like I had no right to be in this house. I wish Mori knows how bad I feel too because my Dad's mistake is not my fault but I don't know why I am the one receiving this pain and not Dad. Sumosobra na si Mori. I can't even feel my right hand right now. She keeps hitting my hand earlier with a bamboo stick that's why it's so swollen now. I wish Mori is gone. I can't endure another punishment again.
When she woke up, she was the first one to see Mori's state. Phoebe found her in their kitchen. Mori was crying while holding her arm that's bleeding so badly. And what made horrified was the dislocated arm bone of Mori out of her skin.
Napasigaw siya ng oras na iyon kung kaya't nadala rin agad sa hospital ang Mayordoma. At matapos itong magawan ng operasyon, narinig ni Phoebe ang pinag-uusapan ng Dad niya at ang Mayordoma.
Nagpaliwanag ang matandang mayordoma kung anong nangyari dito. Ayon sa narinig niya ay may tumulak dito para malaglag sa hagdan at magkaroon ng dislocation.
Kaya naman hindi niya mapigilang magtaka. Kung sino man ang tumulak sa matandang mayordoma ay hindi nila malalaman dahil ayon dito, madaling araw itong nadisgrasya kung saan ang Mayordoma ang pinaka-unang nagigising sa mansion ng mga Rhoades
"Pasensiya na, Sir." Sumigok ang matanda. Hirap itong magsalita. "Pero buo na rin talaga ang desisyon ko. Gusto ko pang mabuhay at makasama pa ang pamilya ko. Matanda na ako, Sir. Maganda na rin sigurong tumigil na ako sa pagtatrabaho," umiiyak nitong sabi na ikinataka.
Nagtataka siya dahil parang hindi ito ang matandang mayordama na gustong-gusto siya saktan. Nagmukha itong maamong tupa habang nakahiga sa hospital bed at kausap ang Dad niya.
"Si Phoebe, Sir. Pakiusap, alagaan niyo ang bata. Iparamdam mo sa kaniya ang pagmamahal na mayro'n ka habang maaga pa, Sir. Gustuhin ko man bumawi sa kaniya ay hindi ko na magagawa pa."
Araw-araw bumabalik sa utak niya ang nakakahilakbot na nangyari sa kanilang Mayordoma. Lagi niya naalala ang nakalabas nitong buto sa braso.
Hanggang sa makauwi ang kanilang Mayordoma sa pamilya nito. Bigla niyang naalala ang mga nangyari insidente sa mga taong may sama siya ng loob at sinaktan siya. Binasa niyang muli ang mga sama ng loob na isinulat niya sa kaniyang diary.
Ang hindi pagsasalita ng Stepmother niyang si Francheska nang isang linggo. Ang pagkaka-comatose ng bully niyang kalaro na si Billy at ang nakakatakot na nangyari sa kanilang Mayordoma.
Hindi man niya maipaliwanag ngunit pakiramdam niya, sa tuwing nagsusulat siya sa Diary niya ay may nangyayaring masama sa mga taong nakapagpasama ng loob niya at nanakit sa kaniya. Kung kaya't muli siyang nagsulat sa diary niya.
Dear Diary,
I don't know if you are really magical but I'm really glad to have you. You helped me make my Stepmother silenced. You made me have my revenge for Milaska on Billy and you helped make that witch Mori gone. Thank you so much, Diary.
After realizing that she had a magical diary, accidents keep coming as she also continues to write her feelings about someone.
And her English teacher is no exception. Binali lang naman nito ang last niyang pencil. Kung kaya't nang makauwi siya, agad niyang kinuha ang diary niya at nagsulat.
Dear Diary,
My English Teacher, Ms. Gida Pinkerton is a b***h. Binali niya lang naman ang huling pencil ko sa harap ng mga kaklase ko. Wala naman akong ginawang masama. I wish she can't attend our class starting tomorrow. Nakakainis siya.
Matapos niyang magsulat ay agad siyang nagbihis. Kapagkuwan ay pumunta ng kusina.
As usual, walang katulong ang gustong maghain ng pagkain sa kaniya. The last time kasi na may naghanda sa kaniya ng pagkain ay walang tigil na bulyaw ng kaniyang Stepmother ang maririnig sa mansion.
Kumuha siya ng plato pagkatapos ay kutsara at tinidor. Sakto naman na paborito niya ang nakahaing ulam which is steak. Mas lalo pa siyang natuwa nang makita sa refridgerator nila ang naka-tupperware Green moussaka with potatoes.
"Iinitin ko na lang ito," aniya kapagkuwan ay inilagay ito sa microwave bago umupo sa mesa at kumain mag-isa.
"How was your school today, Phoebe?"
Gulat siyang napalingon sa Daddy niyang naglakad at umupo sa katapat niyang stool.
Nakapang-business suit na ang Dad niya at halatang paalis na rin ito.
So he's still here? Parang wala lang sa kaniya ang pag-alis nito. Dalawang buwan na naman kasi itong mawawala dahil may kailangan itong asikasuhin sa Greece. Maiiwan na naman siya sa mansion kasama ang Stepmother niya.
Nagkibit-balikat si Phoebe habang ngumunguya. "Fine, I guess."
"Did you made friends?" seryosong tanong nito na ikinailing niya.
"I did not need one anyway so..." sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.
Rinig niya ang pagbuntong-hininga ng Dad niya pagkatapos ay tumayo ito. Akala niya ay iiwanan na siya nito ngunit nagkamali siya.
Nakita niyang kinuha nito ang galoon ng ice cream na mayro'n sila sa refrigerator pagkatapos ay sinarado ang fridge. Sunod itong tumungo sa lagayan ng kutsara nila at kumuha bago muling umupo sa stool na nasa tapat niya.
Napataas ang kilay ni Phoebe at nagtatakang nakatitig sa Dad niya habang nilalamutakan nito ang ice cream.
"Did you already eat, Dad?" bigla niya naging tanong dito.
"I'll eat while once I got on the plane."
Napatango-tango si Phoebe pagkatapos ay kumain. Tumunog na ang microwave, senyales na nainit na ang green moussaka ngunit hindi niya muna iyon kinuha.
"Phoebe?" tawag sa kaniya ng Dad niya na ikinataka niya.
"Ano po?"
Seryosong nakatingin sa kaniya ang Dad niya. "I want you to always remember that I love your Mom, Phoebe. So much."
Napatigil siya sa pag-nguya at natulala. Here he goes. Kinakausap na naman siya tungkol sa Nanay niya.
"If only, Phoebe. If I had the chance back then. If I had the power to not marry Francheska..."
Napatitig siya sa Daddy niya. Pinanood niya itong hirap sabihin ang gustong sabihin sa kaniya.
"I will choose your Mom, Phoebe. God knows I will choose Ava. But things are different at that time. Francheska is the lost daughter of my Father's friend. And it happens that Dad was indebted to Francheska's father that's why they decided to arrange us."
Tumango-tango si Phoebe. I had enough. Narinig na niya ang sinasabing iyon ng Dad niya. Pakiramdam niya ay parang mas paulit-ulit lang pinapamukha sa kaniya ng Dad niya na pagdating sa Nanay Ava niya, wala itong magagawa.
And she had enough of her Dad's excuses. Hindi niya pa kayang tanggapin ang nangyari kung kaya't hindi niya ito sinagot at nagpatuloy sa pagkain.
Dumaan ang ilang minuto na hindi na nagsalita ang ama niya kung kaya't mabilis niyang nilagay sa lababo ang kinainan niya at kinuha ang green moussaka na nasa microwave.
She left her Dad looking hurt. With a lone tear in his eyes.