PHOEBE woke up feeling happy as always. Hinihiling niya lang na sanay ay hindi niya makasalubong ang Stepmother niya. Baka masira agad ang umaga niya sa oras na marinig niya ang nakakainis nitong boses.
Atreus barked. Napatingin siya dito. Nginunguso nito ang stainless nitong kainan. Napangiti na lang siya habang naiiling na tumayo.
Agad niyang nilagyan ng food ang pagkainan ni Atreus samantalang nilagyan na din niya ng cat food ang pagkainan ni Milaska na ngayon ay tulog pa rin sa kama niya.
Humihikab na lumabas ng kuwarto niya si Phoebe pababa sa double staircase pagkatapos ay dumiretso siya sa kusina.
Napangiti siya nang makita ang anak ng Stepmother niyang si Aliyah. Kumakain ito habang nakabantay ang maid sa tabi.
"Good morning, Aliyah," bati niya rito at agad na lumapit sa fridge.
"Good morning, Ate Phoebe!" masaya nitong bati sa kaniya na ikinatawa niya ng mahina.
Kumuha siya ng gatas at ilang piraso ng cookies bago umupo sa stool na katabi lang ni Aliyah.
"So how's your sleep? Are you done with your homework?" nakangiti niyang tanong.
"Natulog po ako ng maaga, Ate Phoebe. Mom would be mad if she found I'm still awake. Hindi ko tuloy natapos iyong homework," nakanguso nitong tanong.
"Hmm? Ginagawa mo ba talaga ang homework mo? Baka naman kasi nanood ka ng Spongebob Squarepants kaya naman pinapatulog ka ng maaga ng Mom mo," She dunk her cookie in her milk before taking a bite.
"Eh, hindi na rin naman kasi ako nakakanood ng Spongebob, eh."
Napangiti siya. Natutuwa sa stepsister niya. Nagpapasalamat siya at wala ngayon ang Stepmother niya. May oras siyang kamustahin at makalaro si Aliyah.
Maging siya ay nagulat na kasundo niya ang stepsister niya. Malayo ang ugali nito sa Ina na laging nakabusangot at inis sa mundo.
Si Aliyah ay mabait at masiyahing bata. Makulit din ito at pala-kain. Kapag sa oras na hindi nito nakain ang paborito nitong pagkain, magwawala ito at iiyak.
Kahit hindi na masunod ang pediatrician nila basta makain lang ang gusto nito.
Hanggang sa matapos siya kumain, kausap niya pa rin ito na hindi pa rin tapos kumain.
"Eat faster, Aliyah. Hindi mo pa pala tapos ang homeworks mo. Pagkatapos mong kumain, pumunta ka sa kuwarto ko. Tutulungan kita, okay?"
Nakangiting tumango-tango sa kaniya si Aliyah bilang sagot. Tinanguan niya rin ito bago tumalikod at bumalik sa kuwarto niya.
Good thing na pan-second shift pa ang pasok niya. Her class will start at twelve in the afternoon to six-thirty in the evening. Kung kaya't naligo lang muna siya at nagbihis pang-bahay.
Lumapit siya sa study table niya at inilabas ang sketch pad niya. Pinagpatuloy niya ang ginuguhit niya.
She was eight years when she founds that she likes to draw. During home-schooled, sa tuwing nabo-bored siya ay mas inaatupag niyang gumuhit.
Hanggang sa naging fan din siya ng anime dahil sa Naruto: Shippuden. Mas nagustuhan niyang gumuhit ng mga anime character. Gumastos din ang Dad niya ng ilang mamahaling art materials kaya kahit naging masama ang loob niya dito, natutuwa siyang alam ng Dad niya kung ano ireregalo sa kaniya tuwing kaarawan at pasko.
Napatigil sa pag-guhit si Phebe nang makarinig ng katok sa pinto niya. Sigurado siyang si Aliyah ang kumatok kung kaya't mabilis siyang napatingin sa oras.
May tatlo oras pa siya bago pumasok.
"Come in."
Nang bumukas ang pinto, sumilip ang ulo ni Aliyah bago ito tuluyang pumasok sa kuwarto niya.
"So, anong subject mo pa ang hindi mo tapos gawin?"
Napanguso ito. "Eh, Ate Phoebe. Maglaro na lang tayo kaysa gawin 'tong homework ko."
Napailing siya. "Hindi puwede iyan. Dapat homeworks muna bago play. Baka mapagalitan ka ng Mommy mo kapag hindi mo ito tinapos."
Napapadyak si Aliyah. "Ate Phoebe, hindi ko naman kaya mag-draw, eh. Tinatamad ako saka gusto ko maglaro."
Nginitian ni Phoebe si Aliyah bago niya kinuha ang dala nitong module. Napakunot-noo siya habang binabasa ang instruction pagkatapos ay tumingin kay Aliyah na ngayon ay nilalaro si Milaska na nakahiga pa rin sa kama niya.
"Sige, ganito Aliyah. Ako na lang gagawa nitong homework mo para mabilis matapos at makapaglaro tayong dalawa, game?"
Masayang pumalakpak si Aliyah. "Yey! Yey! Lalaruin ko na lang muna si Milaska at Atreus."
Time passed like a lightning. Nagkaroon sila ni Aliyah ng oras upang makapaglaro at nang oras na niyang pumasok, nagpahatid siya sa isang driver nila. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi gamitin ng driver ang limousine.
The car will draw too much attention kagaya lang ng nangyari noong unang araw ng eskwela.
Papasok na siya ng classroom niya nang may makitang grupo ng mga estudyante at nag-iingay.
"A-aray! Call someone, please!"
Mabilis na lumapit si Phoebe sa mga nag-iingay na estudyante at nang makasiksik siya, nakita niya ang English teacher niya. Mrs. Gida is sitting in the cold polished cement.
Gumuhit ang sakit sa mukha nito ng sinabukang tumayo kaya muli lang itong napaupo.
"Anong nangyari sa kaniya?" One of the students asked.
Nanatili siyang tahimik habang pinapanood si Mrs. Pinkerton at naghihintay ng sagot ng estudyante.
"Dumulas siya paibaba sa hagdan. Ilang beses din tumama ang pang-upo niya sa hagdan kaya paniguradong masakit 'yan."
A victorious smile curved to Phoebe's mouth before turning her back to the commotion.
Pumasok siya sa classroom at umupo muli sa pinakadulo. She prefers being in the last row para naman kapag bored siya at naisipan niyang mag-drawing, hindi siya madaling makikita ng mga subject teachers niya.
Ilang minuto din silang naghantay hanggang sa may isang faculty teacher ang pumasok sa classroom nila kaya tumayo sila para bumati at muling umupo.
"So..." Tumingin sa kanilang lahat ang faculty teacher. "I don't know if every one of you already knows what happened to Mrs. Pinkerton but she slipped to the staircase earlier. She got injured so she was sent to the nearest hospital. And this means one thing..."
Seryoso muling tumingin sa kanilang lahat ang faculty teacher bago nagsalita. "Puwedeng umabot ng araw o week ang pagkawala niya kung kaya't bawat araw ay naatasan kaming bantayan kayo or iwanan kayo ng gawain. Are we clear?"
"Yes, Mam!"
"Yes!"
"Kung gano'n, please take out your English notebook. Paki-kopya itong isusulat ng secretary niyo sa whiteboard."
"Yes, Mam!"
Napangisi si Phoebe kapagkuwan ay napasilip sa diary niyang pinatungan niya ng braso.
"Thank you, Diary," she said as she took her ballpen and started taking down notes.
It was break time when she also felt her stomach growled. Hindi na siya bumati sa pag-alis ng guro nila. Agad niyang ipinasok sa bag niya ang mga notebooks pagkatapos sumunod na lumabas. Timing lang din na nag-ring ang bell na hudyat ng kanilang break time.
Mabilis siyang dumiretso sa cafeteria at bumili ng makakain. She bought a spaghetti, large fries paired with a burger.
Matapos niyang makabili, agad siyang naghanap ng table at na wala pang umuukopa. Nang makahanap, agad siyang kumain.
Habang kumakain, nabigla siya nang biglang may tatlong babae ang pumuwesto sa tabi niya.
Sigurado siyang hindi niya ito mga kaklase kaya nagtataka siya nang pare-pareho nakangiti ng malaki sa kaniya.
"Ahm... bakit dito kayo umupo?" nagtataka niyang tanong.
"Ouch!" biglang sabi ng isa sa kanila habang umaaktong nasaktan.
"We want to make friends with you," diretsahang sagot naman ng babaeng katapat niya.
Napatahimik siya sa sinabing iyon ng katapat niyang babae. Napatitig siya sa tatlong babae na tumabi sa kaniya.
They are all pretty with porcelain skin. Halatang mga mayayaman din ito at hindi basta-bastang Pilipino.
"Uhm, okay," she said, still hesitant about having a friend or not.
But in the end, she found herself laughing while walking beside Brittany.
"So... Phoebe. You're the daughter of the richest man in this town," biglang sabi ni Kendra na ikinailing niya.
She disagrees with what Kendra has said. "My Father's wealth is not mine. Time will come that I will be independent."
"Geez, pa-humble ka, girl?" Letisha laughed. "Whatever happens, sa iyo pa rin naman babagsak ang mana ng Dad mo. Ikaw ang panganay, hindi ba?" tanong ni Letisha na tinanguan.
"Well, sa iyo nga babagsak. My Dad promised me the same thing, to give me all his belongings too kaya naman we know na ikaw ang next heiress of Rhoades' billion dollars wealth."
Phoebe cringed. Hindi niya gusto ang tunog ng heiress kasunod sa pangalan niya. She really doesn't want her life cage in the idea of being an heiress.
Dahil sa nakikita niya ngayon pa lang sa pamilya na mayro'n siya, hindi matutumbasan ng kahit gaanong kalaki na pera ang normal at masayang pamilya.
Lagi niyang nakikita na malakas lumustay ng pera ang Stepmother niyang si Francheska. Ni kahit kailan ay hindi ito pinagtrabaho ng Dad niya. Sa mga taong nagdaan, ang Dad niya ang nagtatrabaho para sa kanila.
And she doesn't want that kind of family na tanging pera lang ang nagpapaikot ng pagsasama.
She was ten years old when she realized that her Stepmother was a gold-digger. Sa kuwento ng Dad niya, isa pa lang salat sa pera na babae ang Stepmother niya bago ito nahanap ng mayaman nitong Ama at ipinagkasundo sa Dad niya na ikasal.
Kung kaya't nang makasal ang Stepmother niya sa Dad niya, nakita ng Dad niya ang tunay na kulay ng babaeng pinakasalan nito.
Isang babaeng mukhang pera.