Sa isang iglap, biglang bumagal ang pagtakbo ng mortal sa paligid ni Titus habang ang mag-Ina naman na plano niyag iligtas ay magkayakap habang parehong nakapikit. Damn it. Napatitig na lang si Titus sa isang lalake na may malaking katawan na ilang pulgada na lang ay mababangga na ang mag-Ina. Inis na lumapit si Titus sa lalakeng mortal kapagkuwan ay umiling-iling na itinulak ito sa dibdib pakanan upang hindi nito mabanggang ang mag-Ina sa oras na muli niyang ibalik sa normal ang pagtakbo ng oras. Nang makita ni Titus na wala nang maaari na makabangga sa mag-Ina, ipinitik ni Titus ang kaniyang daliri kasunod nang biglang pagbalik ng normal na takbo ng oras. Muling umalingawngaw ang malalakas na putok ng baril habang ang lahat ng mortal kung nasaan sila Titus ay patuloy na nagsisigawan

