Malalakas na putok ng baril ang bigla na lamang umalingawngaw na nakapagpalingon kay Alvin na kasalukuyang nakasandal sa isang poste habang nakayuko at nakahalukipkip. "Did you hear that?" tanong ni Titus kay Alvin. Napabuntong-hininga si Alvin bago siya nag-angat kay Titus na ngayon ay palingon-lingon, hinahanap ang pinagmulan ng putok ng baril. "You should be calm. We are invincible right now. No one can see us," sabi ni Alvin ngunit hindi iyon pinansin ni Titus bagkus ay napatingin sa mga taong mukhang nagtataka kung saan ang pinanggalingan ng putok ng baril. Alam ni Titus na nagsisimula na ang p*****n. Tama ang sinabi ni Alvin na dapat ay maging kalmado siya dahil walang nakakakita sa kanila sa mga oras na iyon ngunit ang iniisip ni Titus ay ang batang kamukha ni Phoebe. Kasalu

