"What is your business here, angel?" tanong ni Alvin na bigla na lang lumitaw sa tabi ni Titus. Nanatiling tahimik si Titus habang nararamdaman ang presensya ng mga kasama niyang grim reaper sa kaniyang likod. Tila ito ay nakapanig sa kaniya oras na may mangyaring hindi maganda, bagay na tahimik na ikinatuwa ng loob ni Titus habang pinanatili ang kaniyang ekspresyon kahit na gustong gusto na niyang ngumisi. Natawa ang babaeng anghel na nagngangalang Henrietta bago nito ipinasok sa kaluban ang hawak nitong espada. "My business?" tanong nito kapagkuwan ay itinuro ang direksyon ng warehouse kung saan patuloy na nagtatago ang mga kriminal habang nakikipaglitan ng putok kasabay ng mga babae na sabay-sabay sumisigaw, humihingi ng tulong. "There's a demon inside. That's my business." May malii

