Mabilis na lumapit si Titus kay Leila habang si Leila ay patuloy na nagpupumiglas para makaalis sa mga tali na tila nilagay dito para hindi makalaban si Leila. Bagay na ikinakaba ni Titus bago ito tinulungan na makaalis mula sa pagkakatali. "How on Earth you are here, Leila?!" tanong ni Titus habang nakaiwas ang tingin kay Leila. Damn it. Hindi alam ni Titus kung hahabulin ang demonyo para patayin ito sa ginawa nito sa pinakamamahal na babae ng kaniyang kaibigan o mag-focus na lang para ligtas na maalis si Leila sa warehouse. Kung anuman ang ginawa ng demonyong pasimuno para sa krimen kung tawagin ng mga mortal, hindi ito karapat-dapat ng kapatawaran. Ngunit kahit gusto ni Titus na pagbayarin ang demonyo dahil sa mga ginawa nito sa hindi niya mabilang na kababaihan na nasa loob ng wareho

