EVERYTHING happens so fast but then, after the conversation she had with her Dad, her Dad still made her grounded.
That's why after one week of being grounded, she's back. Back being bitchy again together with her friends.
Kakatapos niya lang maligo kaya naman nang makalabas siya sa kaniyang banyo ay agad siyang nagbihis ng kaniyang uniform.
Napataas siya ng kilay nang makita ang sarili sa salamin.
"Don't want to be too cute, hmm..." Phoebe said as she wore off her necktie.
Muli siyang napatingin sa sarili niya. Nakahalukip ang kaniyang mga braso habang ang isa niyang daliri ay tinatapik-tapik ang nakangiti habang nakatingin sa salamin.
Tinanggal niya sa pagkaka-butones ang kaniyang blouse mula sa kaniyang leeg hanggang sa pagitan ng kaniyang dibdib.
Napangisi siya nang makita ang kaniyang ayos sa human-length mirror na nasa kaniyang kuwarto.
"Now, I feel better," she said to herself before dragging her bag pack.
Lumapit muna siya kay Atreus at Milaska na ngayon ay naglalaro sa kuwarto niya kapagkuwan ay hinalikan ang dalawa sa mga ulo nito.
Matapos niyang magpaalam sa dalawa niyang alaga, mabilis siyang dumiretso ma hindi pinapansin ang pagtawag sa kaniya ng Dad niya.
Napabuntong-hininga siya bago kapagkuwan ay sumakay sa limousine na naghahantay sa kaniya sa tapat ng mansion.
"Let's go," malamig niyang sabi sa Driver kapagkuwan ay napatingin sa labas ng kotse kung saan nakita niya si Aliyah na malungkot na nakatingin sa kaniya.
Muling siyang napabuntong-hininga nang sumibad na ang kotse papalayo sa mansion ng mga Rhoades.
Now, the mansion feels like never her home. Ngayong kaaway na rin niya ang Dad niya, pakiramdam niya ay sumikip na rin pati ang puwesto niya sa mansion ng mga Rhoades.
Ilang araw na din niyang iniiwasang makasalubong ang Dad niya samantalang si Aliyah ay patuloy niyang pinapataboy.
She don't know if she still wants her Dad's approval but what happened changes everything.
Parang ayaw na yata niya. She's done pleasing her Dad. Napapagod rin naman siya kaya hindi na niya iniisip ang magiging epekto ng pagsuko niya.
All she wants to do now is stay out of her Dad and Aliyah. May pakiramdam na rin naman siyang babalik na si Francheska since ilang beses na niyang naririnig na pinag-uusapan ito ng mga kasambahay sa mansion.
Wala siyang pakialam. She doesn't give a f**k to her Stepmom as long as Francheska doesn't touch or lay her Stepmother's hands on her. Magtitimpi siya siya pero tao din siya at nauubusan ng pasensiya.
Napag-isip-isipan na rin naman niya na humiwalay at umalis sa mansion. She's sure her friends can help her with it since may mga trabaho din ang mga kaibigan niya na pinagkukuhanan din ng pera.
Nang tumigil ang limousine sa tapat ng university, hindi na bago sa kaniya ang mga tinginan ng mga estudyante sa pagdating ng sasakyan niya.
She is already used to it since she's entering a school full of elite students except those who have entered because of their scholarship.
She smiles as she goes out of the car. Agad niyang nakita ang lima niyang kaibigan na hinahantay siya sa tapat ng gate kapagkuwan ay nakipag-apir ito sa kaniya pagkalapit niya sa mga ito.
"Since you are out of your Dad's grounded program," nai-ikot ni Phoebe ang kaniyang mga mata habang ang mga kaibigan niya naman ay natawa dahil sa sinabing iyon ni Neri. "Should we go, clubbing later?" Pagpapatuloy ni Neri na ikinangisi ng lahat.
"Sure, let's go!" sigaw ng mga kaibigan niya kapagkuwan ay pumasok muna sila ng university.
Since they're in the same classes, Phoebe wasn't bored throughout the whole classes until finally, their last class dismissal happened.
Nagkita-kita muli sila sa tapat ng university kapagkuwan ay sumakay siya sa kotse ng Abby.
She doesn't care about her Driver waiting for her. Kahit pa magsumbong ito muli sa Dad niya ay wala siyang pakialam. She's going out. She's gonna go clubbing and no one can stop her from getting drunk.
"So, wala ka naman ba napapansin about Hex?" biglang sabi ni Abby na ikina-kunot ng noo niya.
"No, why?" tanong niya.
"Duh, because you made a mistake hitting Hex on his precious asset. I'm not saying that he's gonna make your life living hell but Hex is absolutely weird kind of a man," Abby said.
Napatawa naman si Phoebe. She finds it funny that Abby is worrying over what her ex-boyfriend can do to her.
Wala naman siyang dapat ipag-alala. Even though nasa labas siya ng mansion o kaya naman ay nasa Panorama, she knows she will be safe as long as her friends are with her.
"Abby, if you're boyfriend is man enough, he will not act irrationally just because I hit him on his friend down there." Phoebe chuckles a little as she remembers what she did. "He can just talk to me and I will say sorry."
Umiling si Abby na para bang hindi ito sang-ayon sa sinabi niya.
"What? May gusto ka bang sabihin, Abby?" natatawa niyang tanong sa kaibigan.
"You see, Phoebe. If something weird suddenly happens to you, just run. Okay? Believe me, Hex is really weird. In two months that we are together, every time I visit him in his house, he looks kinda creepy," Abby stated that made Phoebe laugh.
"Really? Naging boyfriend mo pero hindi mo na-notice na creepy siya habang nililigawan ka?"
Pumula ang pisngi ni Abby kaya naman ay mas lalo siyang napatawa. "Well, we have been chatmates for five months and I fell in love with and I know he feels the same way but..." Nagkibit-balikat si Abby kapagkuwam ay minaniobra ang kotse pa-kanan. "He is not speaking about it so I got impatience and asked him, so already know what happened next," natatawang sagot sa kaniya ni Abby.
"But anyway, even though he is the weirdest person you have met, I don't care. Hindi naman siguro siya mamamatay-tao para katakutan ko, hindi ba?"
Napakibit-balikat si Abby kapagkuwan ay tumigil sa harap ng Panorama. Napakunot ng noo si Phoebe nang seryosong humarap sa kaniya si Abby.
"Basta, Phoebe. I already told you, whatever he's going to do, or kahit wala man siyang gawin, just be careful, okay? I don't think Hex gonna let you go that easily," may pangamba na sabi sa kaniya ni Abby.
Tinanguan niya naman ito na nagtataka pagkatapos ay pinapanood ang kaibigan na lumabas ng kotse. Napailing na lang siya sa pagiging weird ng kaibigan niya kapagkuwan ay lumabas na rin ng kotse at isinarado ito.
Agad siyang dumiretso sa mga kaibigan niya at sinundan ito papasok sa Panorama na ngayon ay bukas matapos ang shootout.
Nobody has caught the gunners but the shootout killed ten VIPs of the Panorama nightclub.
Mabuti na nga lang at operational pa rin ang nightclub dahil alam niyang puno ang lugar ng mga bugaw at mga delikadong tao. Kapag nagkataon na nalaman din ng awtoridad ang mga ilegal na gawain sa loob ng nightclub, wala na silang mapupuntahan pa ng mga kaibigan niya.
Kaya malakas din ang loob nila na pumasok sa Panorama ay dahil na rin sa pagmamay-ari ng Dad ni Sasha ang Panorama nightclub. No one will dare mess with Sasha's friends.
Napangisi si Phoebe nang marinig niya kaagad ang maingay na tugtugin ng nightclub. Nagkalat ang mga tao sa dance floor samantalang kabi-kabila naman ang mga usok dahil sa nagkalat na mga smoker sa loob ng nightclub.
"Yeah, I'm back!" sigaw ni Phoebe na nakapagpangiti sa mga kaibigan niya.
Sasha instantly saw them from the counter. Mas nauna kasi itong umuwi dahil sa hindi nila malamang dahilan.
She smirked when she notices the cute bartender staring at Sasha who also glanced back to the bartender. Mukhang alam na niya kung bakit hindi na sumabay pa sa kanila si Sasha.
Nang makalapit sila sa counter, agad siyang umupo sa stool na katabi ni Sasha kapagkuwan ay binulungan niya ito sa tainga.
"I know your secret. Don't worry, you're secret is safe with me," bulong niya kay Sasha.
Nakita niyang nawala ang ngiti ni Sasha. Nanlalaki din ang mata nito tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Nginitian niya lang si Sasha kapagkuwan ay umorder sa bartender na pa-sikretong love life ng kaibigan niya.
"A Moscow Mule for me, please," aniya pagkatapos ay matamis na nginitian ang bartender.
"So, what really happens to you, Phoebe? Was the storm scary?" biglang tanong sa kaniya ni Willa.
She sighed as she remembered what happened again. As usual, she told her friends everything that they needed to know about her.
Tila mga curious ito sa na-experience niya habang nakasakay sa isang barko habang nasa gitna ng malakas na bagyo. She told her friends how did she manage to survive with her Stepsister. Maging ang naging sagutan nila ng Dad niya at ang mga pangyayari sa mansion habang grounded siya ay sinabi niya sa mga kaibigan niya.
"After everything that happened, there is only one thing that I wanted to do, and I really need your help, ladies," sabi niya na ikinataka ng mga kaibigan niya.