Chapter 52

1613 Words
WHEN Titus opened Phoebe's profile, what he saw blown his mind away As he keep scrolling in Phoebe's timeline, what he only saw is Phoebe wearing sinful clothes again. Some pictures also made him mad just like the image of Phoebe smoking. Muli na naman bumalik sa kaniya ang mga pinaggagawa sa kaniya ni Phoebe habang nakatingin siya sa isang picture ni Phoebe. Wearing only one-piece bikini while sunbathing. Phoebe really changed as he continues to see Phoebe's picture. She looks so hot. Hindi mapigilan ni Titus ang makaramdam na naman ng kakaiba. He suddenly felt so hot while looking at Phoebe's pictures. He can feel his arousal twitching that made him blows a breath. "f**k!" mahina niyang usal. Napatingin sa kaniya si Larid habang may pagtataka sa mukha nito. "You okay, mate? You look tense?" Napalunok si Titus kapagkuwan ay pinatay ang cellphone niya para manood. "Yeah, I'm fine." Larid just nodded at him before it's gaze darted to the television in Larid' living room. Kasalukuyang may nagbabalita sa television at wala naman dapat pakialam si Titus nang biglang magsalita si Larid. "There's a super typhoon in Philippines right now. Does Phoebe has any plans of leaving their mansion today?" may pagtatakang tanong sa kaniya ni Larid. Umiling siya. "No. Her Dad grounded her but they ha--" Nanlalaki ang mata na napatingin si Titus kay Larid nang ma-realize ang nangyayari kay Phoebe ngayon. "f**k, her Dad said that they will go somewhere today! I don't even know their destination, damn!' galit na sabi ni Titus kapagkuwan ay naiyukom ang kamao niya. Sobra siyang nag-aalala. Hindi niya alam kung nasaan ngayon si Phoebe kung kaya't hindi siya basta-bastang makakapag-teleport. "Go to the mansion and find clues. Go, quick!" sabi sa kaniya si Larid. Tinanguan niya muna si Larid kapagkuwan ay mabilis na nag-teleport papunta sa harap ng mansion ng mga Rhoades. Malalakas na ulan at hangin ang agad na sumalubong kay Titus habang nasa labas ng mansion. Tila nagwawala ang mga puno na tina Agad na nag-invincible si Titus pagkatapos ay nagmamadaling pumasok sa kuwarto ni Phoebe. Naghanap siya ng clue kung saan maaring nandoon si Phoebe pero natataranta na siya kung kaya't nag-teleport siya sa bawat kuwarto ng mansion hanggang sa tumigil siya sa office ng Dad ni Phoebe at nakita ang schedule planner. "This might give me Phoebe's location right now," aniya kapagkuwan ay binuksan ang schedule planner. Patuloy niyang binasa ang nakalagay sa schedule planner hanggang sa makita niya ang petsa ngayong araw at ang nakalagay na pangalan ng isang barko. "Stardust." Mabilis na binitawan ni Titus ang schedule planner at sinearch niya ang pangalan ng barko. He remembered Larid saying that whatever he wanted to know, he could find it on google. Matapos niyang makita ang itsura ng barko, mabilis siyang pumikit at nag-teleport kung nasaan man si Phoebe. PHOEBE woke up feeling her surrounding moving. Nang mabuksan niya ang kaniyang mata, agad na dumako ang paningin kay Aliyah na kagaya niya ay kakagising lang din. "Move! The boat will sink!" Napabangon si Phoebe nang marinig ang sigaw na iyon ng isang lalake. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang kama at naglakad papunta sa pinto ng kanilang cabin. Kinakabahan si Phoebe nang mahawakan niya ang doorknob kapagkuwan ay binuksan ang pinto ng kanilang cabin. Bumungad sa kaniya ang mga taong nakasuot ng mga life vest habang natataranta na pumipila. "Help! My husband is trapped! Please help!" "Mama! Ate!" Natulala si Phoebe habang nakatingin sa mga tao na nagsisigawan lalo na sa batang nakita niyang umiiyak habang nag-iisa. She remembered herself being alone, scared just like what the kid looks like. Nag-iisa at tila nahiwalay sa mga magulang habang ang lahat ay nagkakagulo, iniisip na mailigtas ang sarili lamang. "Ate Phoebe!" Napalingon siya kay Aliyah. Halata ang takot sa mukha nito nang tumakbo ito palapit sa kaniya at niyakap siya. "Ate Phoebe, where's Dad?! What should we do?" naiiyak na sabi ni Aliyah habang nakayakap ito sa kaniya. Napalunok si Phoebe. Tila hindi alam ang gagawin habang pinapanood ang lahat na nagkakagulo. What's happening? Tanong ni Phoebe sa sarili. She was expecting a boring and nonsense kind of journey to where she doesn't care about. Hindi niya inakala na magkakaroon talaga ng bagyo kagaya ng una niyang hinala. Hindi niya inakala na may haharapin silang sakuna na ngayon ay nangyayari na. Agad na napakapit si Phoebe sa hamba ng pinto nang maramdaman ang biglang pag-galaw ng barko tila natutumba dahil sa malalaking alon na humahampas sa barko. Narinig niyang sumigaw si Aliyah na talaga naman nakadagdag sa kaba kung kaya't mabilis na rin siyang kumilos. Mabilis niyang hinawakan ang mukha ni Aliyah. "Aliyah!" sigaw niya rito habang patuloy na umiiyak si Aliyah na nakayakap nang mahigpit sa kaniya. "Aliyah!" muling sigaw ni Phoebe kay Aliyah at pinatingin ang Stepsister niya sa kaniya. "Aliyah! Listen to me!" sigaw ni Phoebe kapagkuwan ay sinuyod ng tingin ang buong cabin nila ni Aliyah hanggang sa makita niya ang compartment kung saan sigurado siyang nakalagay ang mga life vests na nasa ilalim ng kama nila. "Aliyah! Liste!" Hinawakan niya ang kamay ng Stepsister at pinakapit ito sa hamba ng pintuan. "I want you to stay here..." Tinignan niya ang direksyon ng batang lalake na hindi pa rin nakikita ang magulang nito. "Ali, I want you to call that little boy to come here, okay? Everything is going to be okay. Just do as I say what I want you to do." Naiiyak na tumango-tango sa kaniya si Aliyah kaya naman ngumiti siya para mapagaan ang loob nito bago niya iniwan si Aliyah sa pintuan. Maingat na kumapit si Phoebe sa kung anuman na puwede niyang makapitan habang nararamdaman ang barko na tumatagilid. Hanggang sa makalapit siya sa kanilang kama at binuksan ang compartment para kumuha ng tatlong life vest. Nang mapatingin siya kay Aliyah, napangiti siya nang makita na kasama na ng Stepsister niya ang nawalay na bata. Mabilis ngunit maingat muling lumapit si Phoebe papunta kay Aliyah nang biglang rin siyang natumba dahil sa biglang pag-galaw ng barko na para bang dinuduyan ito ng malalaking alon ng dagat. "s**t!" Phoebe groaned as she felt the throbbing pain in her left knee. "Ate Phoebe!" Pinilit na tumayo ni Phoebe. Nabitawan na niya ang isa sa mga life vests pero ipinagsawalang-bahala na niya iyon at muling kumapit sa wall lamp na nakadikit sa pader ng kanilang cabin. Mas hinigpitan niya ang paghawak sa tatlong life vest na dala niya hanggang sa makalapit siya kanila Aliyah. "Here! Put this on!" sabi niya kay Aliyah na agad nitong sinunod habang tinulungan naman niya ang batang lalake na isuot ang isa pang life vest na dala niya. Matapos niyang tulungan magsuot ang batang lalake ng life vest, agad niyang hinawakan niya ang kamay ni Aliyah at ang batang lalake na patuloy pa rin umiiyak kagaya ni Aliyah. Hindi na niya inisip na hanapin ang Dad niya. If their Dad cares about them, dapat kanina pa ay dumating na ito sa kuwarto nila. Nasisiguro niyang importanteng pasahero ang Daddy niya sa barko kaya alam niyang imposible na makalimutan sila ng mga tauhan ng barko. Unless, their Dad thought of saving his own life first before them. Naiinis na huminga ng malalim si Phoebe kapagkuwan ay dinala ang dalawa niyang kasama sa mga nagkakagulong tao papunta sa middle deck ng cruise ship. Agad muling natumba si Phoebe nang gumalaw ang barko na patuloy pa rin sumasayaw sa dagat habang bumabagyo. Narinig niyang pumalahaw ng iyak si Aliyah at ang batang lalake niyang kasama ngunit hindi niya pinansin iyon bagkus ay muli siyang bumangon. The storm made the sea rougher as it can when Phoebe saw large waves hitting the ship in the window panes, making it move and dance like it was playing. Phoebe felt so wet and soaked already when the three of them reached the upper deck as the rain continuously pouring heavy drops as flashes of lightning continue to strike in the dark cloudy sky. Kinakabahan na si Phoebe habang tumatama sa kanila ang malalakas na hangin na dala ng bagyo pero hindi niya hinayaang kainin ng sistema ng kaba. Pilit siyang naglakad at sumiksik sa mga grupo ng mga taong nagwawala na dahil sa takot at humihingi ng tulong. "Come on! Bakit hindi niyo na kami pasakayin agad? Lulubog na itong barko niyo!" sigaw ng isa sa mga galit na pasahero. "Ate Phoebe! Lulubog daw ang barko?1 What should we do? Are we going to die?!" Tila nagpa-panic na tanong sa kaniya ni Aliyah pero agad niya itong sinagot ng iling. As much as possible, ayaw niya mataranta si Aliyah. Kilala niya ang Stepsister niya at baka hindi niya ito madala ng tama para mailigtas sila kasama ang batang lalake. "Pakiusap, lahat po tayo ay maging mahinahon. Pinapauna lang po namin makasakay ang mga bata at matatanda. Maging kalmado po tayong lahat," sabi ng isa sa mga nagpapasakay sa bangka. "No! We are not going to die here! Paunahin niyo kami!" sigaw ng isa sa mga pasaherong lalake dahilan para magsimulang magkagulo ang lahat. Nagtulakan ang mga tao. Ang iba naman ay naitulak para malaglag mula sa pagkakasakay sa bangka. Lahat ng mga tao ay nagwala dahil sa takot na mamatay sa pagkalunod. Niyakap ni Phoebe si Aliyah at ang batang lalake habang nanatili silang tahimik sa iisang sulok para maiwasan ang mga nagkakagulong pasahero. Hanggang biglang may nagpaputok ng baril na dahilan para magsipagtigilan ang mga tao. Ang kapitan ng barko ay may hawak ng baril habang nakatingin ng masama sa mga taong nagkakagulo. "Mauuna ang mga bata at matatanda!" sabi ng Kapitan kapagkuwan ay tumulong sa pagpapasakay ng mga bata at matatandang pasahero. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD