Nilalamig at basang-basa na si Phoebe ngunit hindi siya nagpatalo sa panghihina na kaniyang nararamdaman.
Habang patuloy na nagtatawag ang kapitan para sa mga pasaherong matatanda at bata, hinila na ni Phoebe si Aliyah at batang lalake kasama niya.
Patuloy na naglakad si Phoebe habang hawak ang dalawa niyang kasama nang biglang matumba ang batang lalake na mas lalo nitong ikina-iyak.
Pakiramdam ni Phoebe ay maiiyak siya nang makitang giniginaw na sa lamig ang batang lalake nang tulungan niya itong tumayo.
"Hey..." tawag niya dito. Ngumiti siya nang tumingin ito sa kaniya na para bang pagod na sa kakaiyak. "It's going to be okay," sabi niya kapagkuwan ay binuhat niya ito.
"We are all going to be okay," Phoebe said before gripping Aliyah's hand while carrying the boy in her arms.
Binabalanse niya ang sarili habang ang barko ay patuloy na sumasayaw dahil sa malalakas na alon ng dagat.
Hanggang sa makalapit sila sa Kapitan, ibinaba niya ang batang lalake at pinalapit sa Kapitan.
"Please, pakasayin mo po sila," Phoebe said to the Captain and Captain just nodded at her.
The Captain hurriedly made Aliyah and the little boy on board while she remain standing beside the Captain.
"Ate Phoebe! Sumakay ka na, please!" sigaw ni Aliyah sa kaniyang nang makasakay ito habang katabi ang batang lalake.
Phoebe just smiled at Aliyah. "Be safe, Aliyah!" sigaw niya sa Stepsister niya na mas lalong umiyak dahil sa sinabi niya.
Phoebe needed to wait for a boat. Hindi puwedeng pilitin ni Phoebe ang sarili para sumakay sa mga bangka.
Nagulat si Phoebe nang biglang may umalingawngaw muli na tunog ng pagputok ng baril.
Nang mapalingon siya, isang lalake ang papasugod sa direksyon niya kung kaya't nang matulak siya, agad siyang nalaglag sa barko.
Falling while looking at the dark cloudy sky, another flash of lightning made her closed her eyes. Waiting for her body to be submerged into the sea.
TITUS was horrified when he saw Phoebe falling off the cruise ship.
Ilang segundo lang ang lumipas bago siya mabilis na tumakbo sa guard rails ng barko kung saan napasandal si Phoebe bago ito mahulog sa dagat.
"f**k!" mura niya pagkatapos ay malakas na sumigaw dala ng galit.
He was way too late. Naghirap siya sa paghahanap kay Phoebe sa buong cruise ship lalo na rin at may ilang kaluluwa siya na kailangang anihin habang nasa loob barko.
Akala niya maililigtas niya si Phoebe pero nagkamali muli siya. Nahuli siya.
Hindi niya malaman kung anong dapat niyang maramdaman. Galit, lungkot, pagkabigla.
Pero habang nakatingin sa umaalong dagat kung nasaan ngayon si Phoebe, iisa lang ang bukod-tanging nabuhay sa sistema niya.
Ang lungkot.
He doesn't know what to do. They're in the middle of a storm in the middle of nowhere. Natulala siya habang ang mga tao sa paligid niya ay nagwawala at nagkakagulo para makisakay sa mga natitirang bangka.
Kaya naman kahit hindi siya sigurado, hinubad niya ang kaniyang sapatos at fedora. Maging ang mahaba niyang jacket at vest ay hinubad niya hanggang sa matira na lang sa kaniya ay ang kaniyang puting t-shirt at slacks.
Huminga siya ng malalim bago tumalon sa dagat na para bang walang bagyo na nangyayari.
"Phoebe?! Phoebe!" sigaw niya bago magsimulang lumangoy.
All he could think about is finding Phoebe. Kahit na patuloy na humahampas ang hangin at malakas na alon. Lumusong si Titus pailalim ng pailalim kapagkuwan ay tumigil at lumilingon-lingon sa ilalim ng dagat habang pinipigilan niyang huminga.
Para siyang baliw na naghahanap ng kaniyang pinaka-importanteng gamit sa gitna ng dagat kung saan bumabagyo.
Alam niyang napaka-imposible para mahanap niya pa si Phoebe ngunit hindi siya tumigil.
All he was thinking is the fear of losing Phoebe. For the first time in his life being a grim reaper, aminado siyang takot na takot siya.
He can't endure the pain of losing her. Kahit isa itong mortal na walang koneksyon sa buhay niya, hindi niya kayang hayaan ito na mawalan ng buhay.
Matagal siyang sumugal at matagal din nasayang ang mga pagkakataon na dapat pala ay nasa tabi siya ni Phoebe.
Back then, he was super conceited and self-centered but right now, him being conceited can't even help him from finding.
Sadyang tama nga si Kellan sa sinabi nitong hindi sa lahat ng oras ay maililigtas niya si Phoebe. The danger is already a part of mortal's life. Kahit na may mga abilidad siya, hindi niya kayang maligtas si Phoebe sa kung anuman klase ng kapahamakan ang darating sa dalaga.
Kaya naman unti-unti nang gumagapang sa sistema niya ang lamig, patuloy pa rin siyang lumangoy sa ilalim ng dagat at aahon kapag kailangan niyang huminga.
Hanggang sa unti-unti na niyang nararamdaman ang pagod, hindi na niya mai-galaw pa ang sarili niyang mga braso at dahan-dahan ay naisarado na niya ang kaniyang mga mata.
He let his self fall deeper and deeper into the sea. Feeling his body going down until he is literally out of breath.
FURIOUS. That's what Kellan looks like while seeing Larid with angel wings, carrying Phoebe on his arm who's soaking wet.
"Why the f**k did you bring that girl in here?!" galit na sabi ni Kellan habang pinapanood si Larid na dinala si Phoebe sa kusina at inilapag ang basa nitong katawan sa mahabang lamesa.
Walang suot na pang-itaas si Larid habang basang-basa rin ang matipuno nitong katawan.
"Please, Kellan. Don't argue with me right now. Just look after Phoebe for a second, Titus needs help," Larid said that made Kellan worry a bit.
"What... what the f**k happen?" tanong niya na hindi sinagot ni Larid dahil agad itong lumabas ng kusina.
Sinundan niya si Larid na papalabas sa bahay nito kapagkuwan ay humarap sa kaniya si Larid habang dahan-dahan nitong binubuksan ang mahaba at malaki nitong pakpak na ikina-nganga ni Kellan.
"Just wait for me. One minute," sabi ni Larid kapagkuwan ay lumipad na dahilan ng paggalaw ng mga puno at malakas na hangin.
Naguguluhan man ay sinunod ni Kellan ang sinabi ni Larid. Bumalik siya sa loob ng bahay ni Larid at pinuntahan si Phoebe sa kusina kung saan namumutla si Phoebe.
Hinawakan ni Kellan ang braso ni Phoebe at agad din niyang nailayo ang kamay ng maramdaman ang sobrang lamig na katawan ni Phoebe.
"Damn, how did this thing happen?" Napatampal sa noo si Kellan habang nakatingin kay Phoebe. "How did she die again?"
Mabilis na napatingin si Kellan sa labas ng bintana mula sa kusina nang bigla muling humangin ng malakas.
Sumilip siya sa salas at agad siyang napamulagat ng mata nang makita si Titus na basang-basa ang katawan habang akay-akay ni Larid hanggang sa ihiga ito ni Larid sa couch nito sa salas.
Halata sa mukha ni Kellan ang gulat at pagtataka habang nakatingin kay Larid na ngayon ay pinupunusan ang hubad nitong dibdib kapagkuwan ay nagliwanag ang pakpak nito sa likod hanggang sa mawala.
"Tell me," Kellan suddenly said. "What the f**k happened? Why are they both soaking and lastly..." Kumunot ang noo ni Kellan kay Larid na ngayon ay seryosong nakatingin sa kaniya. "How come you know where to find them?"
Larid just sighed before explaining everything. Everything that he knows.
"I might be hiding everything from you but whatever I'm going to say, don't start to argue, okay?" mahinahon na sabi sa kaniya ni Larid.
Kellan just nodded. Eager to know everything even though he is still feeling furious.
"Okay."
Nanood si Kellan kay Larid nang hawakan ni Larid ang gitnang dibdib ni Titus kapagkuwan ay biglang lumiwanag ang kamay ni Larid.
"What did you do?" nagtataka niyang tanong kay Larid.
Larid just shrug. "Took out the water Titus have drunk from nearly drowning."
Gulat si Kellan sa sinabi ni Larid. "Drown? Where was he and why would he drown his self?"
Larid chuckles at him. "Because Phoebe was there," sabi ni Larid kapagkuwan ay naglakad papunta sa kusina.
"And why Phoebe is there?" tanong ni Kellan kay Larid.
"Because it was fated," Larid answered.
"Fated by who?" Kellan asked, brows furrowed.
Inilagay ni Larid ang tainga malapit sa mukha ni Phoebe para makinggan kung humihinga ang dalaga kapagkuwan ay ngumiti na hinarap si Kellan.
"Fated by the Gods."
Napatawa ng pagak si Kellan. Tila hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan niyang Nephilim. "Really? Fated by Gods? This is bullshit."
"This is no bullshit, Kellan. Especially when it comes to love," Larid said with a serious face.
Agad na napatahimik si Kellan dahil sa sinabing iyon ni Larid. Pinanood niyang nilagay muli ni Larid ang kamay nito sa bandang gitna na dibdib ni Phoebe pagkatapos ay bigla na naman lumiwanag ang kamay nito hanggang sa mawala ang liwanag.
"Why would the Gods do something like this? Isn't it too much making them drown just because of love?" Kellan asked.
Larid carried Phoebe again as he brought Phoebe to a master's bedroom in his house. Matapos nitong ilapag si Phoebe, napabuntong-hininga si Larid.
"Titus and Phoebe are husband and wife back in their past life," Larid said that make Kellan's jaw went slack.
Kellan is shocked about what Larid had revealed to him. Kaya naman kung anong galit na nararamdaman niya para sa magiging matigas ni Titus ay nawala.
It was replaced by empathy towards Titus and Phoebe.
Naiintindihan na niya ang nangyayari. Reincarnation, past life, and fate. These words are all true to them.
It happens all the time. Marami sa dibisyon nila ang nakilala niyang nakatagpo nito ang mga mahahalagang tao sa buhay nila.
Sometimes, napipigilan ng mga grim reaper na mapa-sobra sa paglapit sa mortal na mahalaga sa kanila ngunit minsan, kagaya ni Titus. Hindi na inintindi ni Titus ang kahit ano man na parusa ang darating sa pagsuway sa kautusan nila bilang grim reaper.
"But how come did you know this, Larid?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
"I'm a Nephilim. I'm powerful. But the real thing on how I know their past is because I got precognition as one of my abilities," Larid said, explaining.
Sumunod si Kellan kay Larid nang lumabas ito sa kuwarto kapagkuwan ay pumunta sa living room kung nasaan kasalukuyan pa rin natutulog si Titus.
Napailing-iling si Kellan habang nakatingin kay Titus. Now I know why you are so drawn to Phoebe.
"Now..." Kellan asked.
Seryosong tumingin sa kaniya si Larid, tila naghahantay din ito ng kaniyang sasabihin.
"What should we do? Should we tell Titus? I mean, he must know this right?"
Umiling si Larid na ikinakunot ng noo ni Kellan. "Why? Why should we hide it?"
"Because..." Halata sa mukha ni Larid ang hirap na masabi sa kaniya ang rason. "Because it may cause imbalance and Titus, losing his chance to be alive again," Larid stated, pertaining to Titus being mortal again.
Napahilamos ng mukha si Kellan. Feeling his chest became heavy for his friend.
"How long will it take to Titus know about what you said, Larid?" tanong ni Kellan. "How long?"
Napakibit-balikat si Larid. "I'm afraid I don't know. But I'm happy you understand everything now," sabi ni Larid na sinagot lang ng pagtango ni Kellan.
"I'm just angry because of this motherfucker being stubborn..." Kellan chuckles a bit while looking at Titus. "But I just don't want him too to bring too much trouble to his self."
Napatawa naman si Larid. "Yeah. But this doesn't mean that we should let him do whatever he wants. It's still dangerous. We must help Titus limit his self or he will lost it again just like what happened when he fought Lamia."
Napatango si Kellan kapagkuwan ay napabuntong-hininga. "I guess you are right. Because he have been warned."
Napakunot ng noo si Larid. "What do you mean?" tanong nito na nagtataka.
Kellan sighed before taking out a letter from his long jacket. "This came from the Underworld, a letter from the God of Death."
Napaatras si Larid na ikinangisi naman ni Larid. "Scared?"
Parang natauhan si Larid kapagkuwan ay umubo. "Nah, just felt like there's a bug in my pants."
Umiling si Kellan na natatawa. Hindi naniniwala sa sinabi ng kaibigan niyang Nephilim.