Pero ang gawin niya ang plinaplano niyang pagpapalaya ay siguradong pangalawa sa pinakamahirap na bagay na kaniyang gagawin. Para kay Phoebe, walang mahirap na bagay ang kaniyang hindi gagawin. Susubok siya hangga't may paraan siyang naiisip. Kikilos siya hangga't may mga bagay siyang dapat gawin. Hindi siya titigil hangga't may pag-asa. Ngunit ang mapunta sa realm ni Hades ay malaki na kaagad na pagsubok sa kaniya. Unang beses pa lang siyang nakatungtong sa realm na pinaghaharian ni Hades kung kaya naman ang gawin ang plinaplano niya ay malaki na rin palaisipan sa kaniya. Hindi niya alam ang pasikot-sikot sa mundo na pag-aari ni Hades. Hindi rin siya palagay na basta na lang maglakad at umpisahan ang plano niya dahil hindi niya alam kung anong klase rin na mundo ang napuntahan niya.

