Agad na nanigas ang katawan ni Titus kasabay ng panlalaki ng kaniyang mata nang makita kung nasaan siya ng mga oras na iyon. "I'm in hell," tanging nasabi ni Titus habang nakatingin sa buong mall na ngayon ay tila isang porsyento ang nakatayo. Nang lumingon siya sa baba, paangat na malaking apoy ang papasalubong sa kaniyang kung kaya't mabilis pa sa alas-kuwatro na umatras siya habang ramdam ang init na dala ng apoy na hanggang ngayon ay patuloy na nakaangat. "f**k!" Mabilis ang puso ni Titus habang hindi makapaniwala na nakatingin kung nasaan siya ng mga oras na iyon. He's in the Underworld. Ang lugar na pinamahahalaan ni Hades kung saan hindi mabilang na kaluluwa ng mga mortal na yumao ang nasusunog at naghihirap ng mga oras na iyon. Hindi makapaniwala si Titus habang nakatingin sa

