Hindi alam ni Leila kung ilang oras na ang nakalipas simula nang umpisa siyang maghugas ng hugasin sa kusina ng taberna. Laman ng kaniyang isipan ang mga naging usapin ng kaniyang kaibigan na si Bathseba. Naiintindihan niya ang panganib na dala ng inuutos sa kaniya ng kapatid niya sa oras na gawin niya iyon ngunit walang mas makakahigit sa pag-aasam niya na makita ulit ang magulang niya. Hindi niya alam kung bakit kailangang makapasok siya maging sa silid ng hari. Malinaw na sinabi sa kaniya ng nakakatanda niyang kapatid na mahalaga na mabigyan siya ng pagkakataon na makapasok sa silid ng hari. Hindi niya alam kung ano ang plinano ng kapatid niya bukod sa pinakaplano nitong coup d'état. Wala siyang ideya kung sino ang magiging kakampi ng nakakatanda niyang kapatid sa oras na gawin nito

