"Are you sure you did the right thing, Thanatos?" tanong ni Hades pagkatapos niyang lumapag sa tapat ng malaking gate, ang entrance papasok sa palasyo ni Hades. Maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Thanatos pagkatapos niyang isarado ang malaki niyang pakpak. "Thank you for letting me see him, Hades." "Hindi ako pumayag na makita mo siya, Thanatos. Wala kang dapat na ipagpasalamat sa akin," masungit na sagot ni Hades sa kaniyang sinabi ngunit muli lang ngumiti si Thanatos kapagkuwan ay tumayo sa tabi ni Hades na nakatingin sa kabuuan ng Underworld na pinamamahalaan nito. "Still. Kilala kita, Hades. Kung hindi mo gusto, pipigilan mo akong makita ang anak ko. Kahit na sinabi pa ng magkakapatid na fate na kailangan ko siyang makita at hindi mo gusto, hindi mo ako pinigilan para puntahan

