Agad na nagpatuloy sa paglalakad si Titus upang mabilis na maisagawa ang kaniyang plano. Hindi niya alam kung nabilog niya ang ulo ni Thanatos dahil kahit sa mga salita niya ay halatang hindi na siya ang klase ng grim reaper na kung ano siya noon. Probably Thanatos already sensed something wrong with him. Maaaring alam na nito na hindi na siya isang ordinaryong grim reaper lang dahil sa mayro'n na siyang emosyon. He's supposed to be cold, stiff. Pero sa way ng pagkausap niya kay Thanatos, mahihimigan sa kaniya ang pag-aalala na wala sa kaniya no'n. Maaaring may alam na si Thanatos sa kung anong klaseng grim reaper ang nakaharap nito. Or he's just probably overthinking. May mga ilang bagay siyang nasabi kay Thanatos ngunit maaaring nabilog niya ang ulo nito sa pag-aakalang hindi na siya

