Mabilis na umiling-iling si Titus habang tinatanggal sa kaniyang sistema ang panghihina. "I can't give up now," mahinang bulong ni Titus sa kaniyang sarili kapagkuwan ay kinakabahang inaayos ang kaniyang fedora at nilaro-laro ang malamig na bakal ng kaniyang karit. "Wield your scythe, Titus. Use it to its greatest power..." Saglit na napatulala si Titus nang muli niyang marinig ang boses na para bang tinutulak siyang gamitin ang kaniyang karit. Ngayong may ginawa si Thanatos sa kaniyang karit, hindi niya alam kung parehas pa rin ang pagiging loyal nito sa kaniya. Base sa sinabi ni Thanatos ay dinagdagan lang nito ng karagdagan kapangyarihan ang kaniyang karit ngunit hindi nito nilinaw kung paano niya iyon gagamitin kung kaya naman ang naiisip lang niyang paraan ay umatake kung paan

