Chapter 40

1526 Words
Another day, another happiness to start. Maganda ang gising ni Phoebe. Her graduation party was a blast at hinding-hindi niya makakalimutan ang sayang naramdaman niya dahil sa pagpapahalaga sa kaniya ng kaniyang personal bodyguard na si T. Matapos din ang graduation ay iginala siya nito sa mall. Binilhan siya nito ng regalo na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nabubuksan at binusog rin siya ng mga mamahaling pagkain na libre nito para sa kaniya. Kaya ngayon, masaya siya lalo na at may naiisip siyang gawin para makasama ang crush niyang si T. "Oh my gosh, I really have a crush on him." Muling napadapa si Phoebe sa kaniyang unan at do'n, impit siyang tumili habang nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Mas lalo siyang kinilig nang bigla niyang naisip ang guwapo pag-ngiti ng kaniyang personal bodyguard. Kahit napaka-misteryoso nito at tahimik, mabait ito at maalaga na dahilan talaga para magkaroon siya ng crush dito. Nang mahimasmasan, napag-isipan na niyang bumangon. Mabilis siyang kumilos at nilagyan ng pagkain ang pagkainan nila Milaska at Atreus. Pagkatapos niya rin ayusin ang kaniyang kama, agad siyang naligo. Nang matapos siyang maligo, pinili niyang magsuot ng simpleng white sundress na pinaresan niya na lang ng sneakers. Nang makapagbihis, agad siyang humarap sa human-length mirror at napangiti sa kaniyang sarili. Perfect. She can't contain her happiness as she walks out to her room. Maging ang mga maid na nakakasalubong niya sa loob ng mansion ay nagtataasan ang kilay sa pagtataka dahil sa inaakto niya. Mahina siyang humagikhik at hindi pinansin ang mga katulong sa kanilang mansion hanggang sa makarating siya sa kusina nila. Agad siyang lumapit sa refrigerator at naglabas ng ilang piraso ng cookies. Inilagay niya iyon sa isang babasaging plato kapagkuwan ay kumuha siya ng babasaging baso para maglagay din ng gatas. Nang makuha ang pakay niya sa kusina, agad siyang umakyat muli sa second floor at pumunta sa balcony kung saan tanaw ang buong harap ng mansion kasama na roon ang barracks kung saan natutulog ang mga guwardiya ng kanilang mansion. Nilapag niya sa wooden table ang kaniyang agahan habang tinatanaw ang barracks at hinahantay na lumabas ang kaniyang personal bodyguard na si T kagaya nang ginagawa nito tuwing umaga. Ilang minuto siya nang naghihintay at ubos na rin ang agahan niya pero hindi pa rin lumalabas sa barracks ang kaniyang personal bodyguard. "Nakakapagtaka," sabi niya habang tinititigan mabuti ang barracks. "Nakakapagtaka ang ano, Ate?" Gulat na napatingin si Phoebe kay Aliyah. Naka-pajamas pa rin ito habang antok na kinukusot ang mata. "Wa-wala! Kumain ka na ba?" tanong niya rito, tinatago ang pagkapahiya. Nagtatakang tumingin sa kaniya si Aliyah. "Kita mo, Ate Phoebe. Bagong gising ako, oh. Saka sino po ba tinitignan mo?" Natatarantang tumayo si Phoebe. "A-ano... Wala naman akong tinignan. I just want to be in here." Ngumuso sa kaniya si Aliyah. Alam niyang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. "Hindi ka naman lagi tumatambay dito, Ate Phoebe." Kinakabahan siyang tumawa. "Ano ka ba naman, Aliyah? Wala nga kong sabi tinitignan dito." "Bahala ka nga. Ayaw mo umamin. Tara, Ate Phoebe. Handaan mo po akong breakfast, please," cute na sabi ni Aliyah na ikinangiti niya. "Sure." Ilang minuto rin ang lumipas nang matapos niyang paghandaan ng breakfast si Aliyah. Aalis na dapat siya ng kusina nang tawagin siya ni Aliyah. "Saan ka pupunta, Ate Phoebe? Hindi ba po wala ka nang pasok?" inosente nitong tanong na tinanguan niya. "Yeah but I have somethings to do, Aliyah. I need to go. Catch you up later," ani Phoebe bago tumakbo palabas ng mansion kahit na ilang beses niyang narinig si Aliyah na tinatawag siya. Tumigil siya sa pagtakbo at hinihingil na tumayo sa harap ng barracks. "T?" nakangiting tawag niya sa personal bodyguard niya. "Sinong tinatawag mo, Miss Phoebe?" Mabilis na napatingin si Phoebe sa driver niya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya na may pagtataka. "Ahm... si T po. Gusto ko po kasi sanang pumunta ng mall, Kuya." "Ahh, iyong personal bodyguard mo. Oo nga pala, hindi niya ba nasabi sa iyo na aalis na siya?" sabi ng driver niya na ikinataka niya. "A-aalis daw ho siya? Ilang araw daw po ba siya mawawala?" Her heart started pounding frantically inside her chest. Pakiramdam niya may hindi magandang nangyayari. "Naku, Miss Phoebe. Hindi na siya babalik. Hindi na nga daw siya dapat papasok kahapon kaso graduation mo, Miss Phoebe. Kailangan nando'n siya para bantayan ka," sagot nito na agad niyang ikinahina. "Pe-pero..." Napahawak siya sa dibdib niya. Para itong pinipiga sa loob ng dibdib niya habang hindi makapaniwala sa sinabi ng Driver niya. "Pasensya, Miss Phoebe. Mukhang hindi ka na niya sinabihan dahil graduation mo kahapon," sabi ng Driver niya na ikina-atras niya. He must be kidding. "Ba-bakit hindi niya ako sinabihan?" T can't leave her. Kailangan niya ang personal bodyguard niya. Paano na lang sa susunod na pasukan? Wala ng magbabantay sa kaniya. Wala ng may pakialam sa kaniya. Kahit naninikip ang dibdib niya ay mabilis siyang tumakbo papasok ng mansion. Kahit madapa-dapa na siya sa hagdan na ikinagulat ng ilang mga katulong ay pinilit niyang makapunta sa kuwarto niya para lang kuhain ang diary niya at buksan ang pahina kung saan isinulat niya ang special rules niya para dito. Naiiyak siyang tinignan ang pahina habang ramdam ang sakit na galing sa kaniyang tuhod dulot ng pagkakadapa niya sa hagdan. Number one, I want a hot lasagna on my bedside table before I wake up. Ang pinaka-unang rules na kahit kailan ay hindi nito nakaligtaan. Hindi siya nito pinagdamutan at kahit kailan hindi inisip ng personal bodyguard niya ang nagagastos nito para sa lasagna. He's even spoiling her with whatever she wants to eat. Number two, put a big distance from me. This rule is intended to make T looks not so bodyguard to her. Ayaw niyang makitang kasama niya ito sa loob ng unibersidad. Matigas ang Daddy niya noonh una na pasundan siya kahit saan pero mas sinunod nito ang gusto niya. Ang bigyan din siya ng privacy kahit nasa unibersidad nila. Number three, never leave my side. The rule that she thought could make her personal bodyguard stay. Hindi niya tanggap. "I can't! It's so unfair!" naiiyak niyang usal habang hawak ang diary niya. Hindi niya tanggap na naging pinasaya lang siya nito pero kinabukasan, sasaktan din pala siya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi rin siya nito sinabihan sa pag-alis nito. She knows deep inside that they're already close. Kahit hindi niya alam ang edad nito o kung ano man ang edad nito. She doesn't care. Agad siyang nagtaka nang makitang may kagat-kagat na kahon si Atreus. Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto na ito ang regalo ni T sa kaniya noong dinala siya nito sa mall. Kinuha niya iyon kay Atreus at hinalikan ang ulo ng alagang aso. Naiiyak pa rin siya nang titigan niya ang kahon. Simple lang ito at may kakaunting disenyo. Nang buksan niya ito, agad na bumungad sa kaniya ang salitang always na naka-engrave sa gold bracelet. "Anong always?! You left me, you jerk!" sigaw niya at hinagis ang bracelet. She feel so angry at the same time, sad. Galit siya sa pag-iwan nito sa kaniya. Malungkot din siya dahil nawalan siya ng taong nagpapasaya sa kaniya. Ang crush niya na napaka-misteryoso pero maalaga. Hinding-hindi niya makakalimutan si T. HINIHINGAL na napabalikwas ng bangon si Titus. Napahilamos siya ng mukha at napatingin sa kamay nang maramdaman niyang basa ito ng kaniyang pawis. Napabuntong-hininga siya kapagkuwan ay bumangon papalapit sa human-length mirror na nasa kuwarto niya. Pawis na pawis ang katawan niya habang bumabalik sa kaniya ang mga nangyari sa panaginip niya. He's in a war, the American Civil War to be exact. Matapang siyang lumaban para sa kalayaan ng mga kapwa niya. He fought along side with the soldiers who have sacrificed and fight for those who are under enslavement. But it's not the war that made his mind in turmoil. It's a woman. Just like when he is under Lamia's power, daydreaming. He can't see the face of the woman he made love with. Sa panaginip niya, napakalabo ng mukha nito. Ang hindi niya matukoy ay kung nasa ilalim pa rin siya ng kapangyarihan ni Lamia o kung ang panaginip niya ay konektado sa kaniya. Kaya naman mabilis siyang nag-shower at nagbihis bago nag-teleport papunta sa bahay ni Larid. Gabi na nang makarating siya sa tapat ng bahay ni Larid. Sigurado siyang tulog na rin si Kellan kung kaya't imposible na nasa bahay ni Larid ngayon si Kellan. Nang makapasok siya sa living room, nadatnan niyang bukas ang telebisyon pero wala si Larid. Nakakunot-noo siyang tumuloy sa kusina at nang makita na wala rin si Larid, dumiretso siya ng second floor kung saan nando'n ang library at natatanging kuwarto sa bahay ni Larid. Una niyang tinignan ang kuwarto ni Larid sa pag-aakalang tulog ito pero nang makitang wala ang nephilim sa kuwarto nito ay nagtaka na siya. Sa hindi niya malamang dahilan, pakiramdam niya ay mali na pumunta siya sa bahay ni Larid. Everything feels off for him. Tahimik siyang naglakad papalapit sa pinto ng library ni Larid kapagkuwan ay pinihit ang doorknob nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD