ILANG buwan na rin ang nakalipas simula nang malaman ng Dad ni Phoebe ang kondisyon ng Stepmother niyang si Francheska.
Simula no'n ay nanatiling tahimik ang mansion mula sa galit na boses ni Francheska. Naging payapa ang mansion lalo na't ipinagbilin ng Dad niya na hindi puwede lumabas si Francheska hangga't hindi ito gumagaling sa kondisyon nito.
Lalo na't nang malaman ng Dad niya na nasaktan din siya ni Francheska maging si Aliyah.
She can never forget the way her Dad cried that night. Sinisisi nito ang sarili sa mga nangyari.
Phoebe sighed before looking at the calendar in her room. Ilang araw na rin bago ang kanilang graduation. Natutuwa siya at kahit papaano ay nalampasan niya ang problema niya sa university.
Naalala niya noong pumasok na siya. Nangangatog pa rin siya sa takot no'n pero ang nakakapagtaka ay nang walang lumilingon sa kaniya. Nawala ang mga estudyanteng binu-bully siya no'n. Maging sila Brittany, Kendra at Letisha ay parang hindi na kilala ang isa't isa dahil nakikita niya ang tatlo na halos mga tulala na lang sa isang tabi.
Changes that happened when she entered their university is really weird. Siguro nga ay nakalimutan na rin talaga ang lahat ng nangyari tungkol sa kaniya.
Isang linggo din siyang hindi pinapasok ng Dad niya dahil gusto muna nitong makasama sila habang binabantayan ang kondisyon ng Stepmother ngunit kalaunan din ay bumalik sa dating routine ang Dad niya.
Muli itong papasok sa trabaho na hindi niya nakikita sa umaga at uuwi galing sa trabaho na hindi niya nakikita sa mansion tuwing gabi.
At mabuti na lang ay wala itong pasok ngayong araw ng sabado. Kailangan niya rin talaga makausap ito para sa graduation niya. Isang linggo na lang bago ang graduation pero nai-excite siya.
Nakangiting lumabas si Phoebe nang kuwarto niya at pumunta sa study ng Dad. Nang makarating sa tapat ng pinto, kumatok siya ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.
She smiles when she saw her Dad reading some papers again. Agad na nawala ang ngiti sa labi.
Always busy. Sana man ay magkaroon ito ng free time sa graduation niya. Napakahalaga ng graduation niya dahil kahit papaano ay na-manage niyang makapasok sa Top 10 ng section nila bilang Top 2.
"Dad," tawag niya rito.
"Come in, Phoebe," her Dad said with his usual heavy baritone voice.
Dahan-dahan siyang pumasok at marahan na isinarado ang pinto ng study ng Dad niya. Nang makalapit siya sa table ng Dad niya, umupo siya sa upuan nakatapat lang ng Dad niya.
"What is it?" tanong ng Dad niya.
"D-dad, next week is my graduation day. Sana po makapunta kayo," kinakabahan niyang sabi.
She can't stop herself from being nervous. Ito rin kasi ang unang beses na lumapit siya sa Dad niya para makausap ito.
"Hmm... I might be busy but I will try, Phoebe. It's just my schedule is really full," her Dad said that made her sigh.
"Okay, Dad," aniya bago lumabas ng study ng Dad niya.
I knew it. Hindi na naman sigurado ang sagot na iyon ng Dad niya. Talagang naging busy ulit ito para sa business ng pamilya nila pero hindi niya ma-appreciate ang ginagawa ng Dad niya.
Kahit pa nagpapaka-pagod ito para sa patuloy na pag-yaman nila, aanhin niya ang yaman kung mismong pamilya niya ang kailangan niya.
Muli siyang napabuntong-hininga kapagkuwan ay nagdesisyon na lang na bumalik sa kuwarto niya.
Nang makarating sa kuwarto niya, nagulat siya nang makitang may tupperware na nakapatong sa study table niya.
"Oh my gosh!" Mabilis siyang lumapit sa table at agad na natakam nang makita ang lasagna sa loob nito.
Natutuwa siya. Kahit sabado ay iniiwanan pa rin siya ng lasagna ng bodyguard niyang si T.
Now she wonders if T is the one paying for it. Hindi pa naman alam ng Dad niya na nagde-demand siya ng pagkain sa bodyguard niya.
Napag-isipan ni Phoebe na hanapin ang bodyguard niya. Dala-dala ang tupperware na may laman na lasagna, lumabas siya ng mansiyon at dumiretso sa barracks kung saan nanatili ang mga bodyguard ng Dad niya.
She was about to reach the doorknob of the barracks when a body blocked her.
"What the?" Nang makita niya ang mukha ng humarang sa kaniya, agad siyang napangiti. "Saan ka galing, T?"
"Just here and there," T said before smiling at here, making her blush." "Why are you here?"
"Ahm..." Now, that she comes face to face with her personal bodyguard, her mind went blank. "Ahm... I guess... Oh, just wanna ask if you are the one who's paying for the lasagna."
TITUS can't contain his feeling while staring at Phoebe who's looking so cute. Namumula ang pisngi nito habang hindi makatingin sa kaniya. And he can't stop his freaking self from smiling.
Iba talaga ang ibinibigay na apekto sa kaniya ng dalaga. Nasaksihan niya rin ang paglaki nito habang nasa katawan ng batang hinihiram niya.
Sa likod ng malungkutin na batang nakilala niya, masayahin pala talaga ito kung wala lang problema sa pamilya.
"I am," sagot niya sa tanong nito.
"Ahm, sige po. Thank you," sagot ni Phoebe sabay tumakbo ito na ikinataka niya.
"She's cute."
Napalingon siya kay Larid na ngayon ay nakakibit-balikat habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya sinagot si Larid bagkus ay nag-invincible siya papunta sa kuwarto ni Phoebe.
Naabutan niya si Phoebe na nakadapa sa kama nito habang tumitili.
Hindi niya mapigilang mapangiti sa inaakto ni Phoebe. What the hell is she doing?
Nanatiling tumitili si Phoebe habang nakabaon ang ulo nito sa malambot na unan. Nagwawala na rin ang aso nitong si Atreus habang ang pusa naman nitong si Milaska ay umalis sa pagkakahiga sa kama. Tila naalibadbaran sa ingay na ginagawa ni Phoebe.
Nanatiling tahimik si Titus habang may ngiti sa labi na pinapanood si Phoebe hanggang sa biglang bumangon ito at natulala kapagkuwan ay tumingin sa pagmamay-ari nitong diary.
Agad na nagtaka si Titus. Is someone hurting her again? Is that why she keeps screaming onto her pillow? Naiyukom ni Titus ang kamao sa naisip.
Pinanood niya si Phoebe na may blangkong ekspresyon nang maglakad ito papalapit sa study table at binuksan ang diary.
Titus waited as he felt rage enveloped his being. Nanatili siyang tinitignan si Phoebe na nagsulat sa diary nito hanggang sa matapos itong magsulat.
Muli itong humiga sa kama at parang pagod na bumuntong-hininga. Tinawag nito si Milaska at Atreus para tumabi sa kaniya hanggang sa umabot ng isang oras nang makatulog na ito.
Titus walks toward the study table. Ramdam niya pa rin ang galit sa katawan niya nang buksan niya ang diary ni Phoebe at binasa ang last na entry nito.
Dear Diary,
It's completely awkward to talk about this but I've been feeling really, really happy when I'm around him.
Napakunot ang noo ni Titus at bahagyang napatingin kay Phoebe. "This entry doesn't seem she's hurt and who's him she's talking about anyway?" He arched his brow before he continues to read Phoebe's diary.
Matagal na niya akong binabantayan. He is the best. He cares for me. And he's my first crush.
Napataas ng kilay si Titus. Inaalala kung may nabanggit si Larid about sa salitang crush ng mga mortal. Wala siyang naalala na may nabanggit si Larid kung kaya't tatanongin niya ito pagkatapos niya mabasa ang entry ni Phoebe.
He pays for my favorite lasagna. Hindi ko rin mapigilan mag-blush tuwing ngumingiti siya. He looks so handsome when he's smiling and not always grim. T is more handsome when he's also wearing his long black jacket and fedora.
Agad na natulala si Titus nang mabasa ang huling nakasulat sa entry ng Diary ni Phoebe. Nilapag niya ang diary ni Phoebe sa study table nito kapagkuwan ay mabilis na nag-teleport papunta sa bahay ni Larid.
Walang habas niyang binuksan ang pinto ng bahay ni Larid. Nasa mukha ni Larid ang gulat habang nakaupo ito sa couch nang makitang siya ang nagbukas samantalang si Kellan naman ay nakatayo at walang ekspresyon na tumingin sa kaniya.
Hindi niya inintindi si Kellan. Mabilis siyang lumapit kay Larid at kwinelyo ito.
"Tell me, what the f**k is crush?" may diin niyang sabi na ikinakunot ng noo ni Larid.
"Uh, crush. The one where you are getting romantically interested with soomeone. The one that makes mortals head over heels with someone they are in love," nakakunot ang sabi ni Larid. "Why? Did Phoebe has her first crush? Have you followed the boy?"
Umiling-iling si Titus bilang sagot. "No. I don't have to follow someone." Napahilamos siya nang mukha at nanghihinang umupo.
"What? Why? What the f**k is your problem then?"
Titus sighed before speaking up. "Phoebe... she is..."
Nagtaas ng kilay si Kellan sa kaniya habang si Larid naman ay hinihintay ang sasabihin niya.
"What? Speak up now," Larid said that made him sigh in defeat.
"I don't know how and why... I don't even know what to do with it..."
"Then tell us what the f**k is happening, will you?" naasar na sabi ni Kellan.
"Okay." Titus blows a loud breath before he speaks.
"Phoebe has a crush on me."