Chapter 42

1575 Words
Present, year 2012 It's already midnight when Phoebe's birthday party ended. Just like always, she was so bored. Wala pa rin nagbago sa mga magulang niya. Sa Dad niya o kay Francheska. Philip Rhoades is still the same busy dude about his business. Mas sinusubsob pa rin nito ang sarili sa trabaho kahit na sapat na ang pinagtrabahuan nito para buhayin sila. While her Stepmother is still sick. They needed to bring her to another place since there's a moment that she can act fine with Aliyah and then in a snap, she's already violent. "Good riddance," Phoebe said as she looks at her Stepmother's picture hanged on the walls before entering her room. Nang maisarado niya ang pinto ng kuwarto niya, napatigil siya nang makita ang diary niya sa study table. Dahan-dahan siyang naglakad at kinuha ito. It's been four years since her diary stopped helping her when she needed it the most. At first, akala niya ay matutulungan pa rin siya ng diary niya pero nang mapasok siya sa isang away, she wanted revenge but her diary stopped giving her the satisfaction. So stupid of her to actually think that her diary is magical. She sighs before placing down her diary on her table. Mabilis niyang hinubad ang suot niyang gown sa birthday party niya at nag-shower. When she's done, she wore a black sequinned strapless cropped top paired with a red cotton mini skirt and crystal-embellished satin mules. The next thing she does is her make- up and when she's done, she faced her human-length mirror. Agad siyang napangiti nang makita ang sarili sa salamin. Kakatapos lang ng party niya pero hindi pa siya pagod. She's still up to go clubbing. She never looks so good until she met a group that made her who she is right now. Nakilala niya ang mga ito two years ago when some guy in their university is harrasing her. Tinulungan nila si Phoebe at naging parte siya ng mga grupo nito. Nagkaroon din siya ng mga kaibigan na nakakaintindi sa kaniya at sa mga pinagdaanan niya. She found her happiness with them. Kaya naman ngayon, pupunta siya sa Panorama. It's a nightclub where her friends usually go when they don't have anything else to do. But sadly, she can't go. Hindi siya makasama sa kanila dahil wala pa siya sa legal age until now. Maitatapat na niya ang driver's license niya sa mga bouncer na ilang beses niyang nilusutan sa nightclub. Nagulat siya nang biglang tumunog ang ringtone ng cellphone niya. "s**t! Where did I leave it?" mahina niyang usal. Nagmamadali siyang tinignan ang drawer niya sa study table pero wala ang cellphone niya do'n. Sunod niyang tinignan sa banyo pero nang mapagtanto niyang hindi nanggaling ang ringtone ng cellphone niya ay muli siyang bumalik sa kuwarto niya. Tumigil ang ringtone ng cellphone niya. Nataranta siyang nagpatuloy sa paghanap. "It must be Willa, s**t!" Lumapit siya kay Atreus na nakahiga sa kama niya. Kinapa-kapa niya ang ilalim ng katawan ng kaniyang alagang aso. Napailing siya pagkatapos ay lumapit kay Milaska na natutulog. Nang mabuhat niya ang katawan ni Milaska, nakita niyang cellphone niya. Natatawa siyang hinimas ang balahibo ng alaga niyang pusa. "Why did you hide my phone, huh?" sabi niya kapagkuwan ay kinuha ang cellphone niya bago ito muling inilapag sa higaan nito. Nang buksan niya ang phone niya, napamura siya agad nang makita ang pangalan ng kaibigan niya. 1 missed call from Willa. Willa is their group's leader. Ilang taon na rin niya itong nakasama kung kaya't alam niya na pinaka-ayaw nito ang pinaghihintay. They must meet tonight on the west side of their mansion. Doon siya laging lumulusot para makalabas ng mansion na hindi nalalaman ng bodyguards ng Dad niya. Isang beses na siyang nahuli ng Dad niya na tumakas sa gitna ng gabi. Her Dad punished her by grounding her for two weeks. Talagang galit na galit siya ng mga oras na iyon lalo na't nabo-boring na siya sa napaka-laki nilang mansion. And she doesn't want to do the same mistake again. She doesn't want to get caught again. Kaya naman sa ilang beses niyang pagtakas ulit ay nag-ingat siya. She dialled Willa's number. Ilang segundo lang siya naghintay bago sinagot ni Willa ang tawag niya at sa tono nito, alam niyang malapit na niyang maubos ang pasensya nito. "Where the f**k are you?! Nilalamok na kami dito, wala ka pa rin!" asik ni Willa na ikinangiwi niya. "Hey, sorry. Hinanap ko pa kasi ang phone ko pero palabas na ako. Wait lang," sabi niya kapagkuwan ay pinatay ang tawag. Nagmamadaling kinuha niya ang purse niya pagkatapos ay lumabas ng kuwarto niya. Madilim na ang buong bahay at tanging mga guwardiya na lang ng Daddy niya ang mga gising. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan kapagkuwan ay mabilis na nagtago nang makita ang ilaw na sigurado siyang galing sa flashlight ng mga nagro-rondang guwardiya ng Dad niya. Habang nakatago, nakita niya ang isang guwardiya na tumigil sa tapat ng sliding glass door at tinignan ang buong living room. Ilang segundo rin ang lumipas bago ito umalis. Nang makita na malayo na ang guwardiya, agad siyang dumiretso sa kusina at binuksan ang back door para makadaan siya papunta sa kanlurang bahagi ng mansion. She waved her hands when she saw Abby. "Hey, come on! We gotta go!" Abby said. She runs towards the enclosure and dropped her heels to the other side before climbing up. Maingat siyang kumilos hanggang sa makababa siya. Mabilis niyang sinuot ang heels kapagkuwan ay sumakay sa Audi A6 na pagmamay-ari ni Abby. "God, what took you so long, girl?" asar na sabi ni Willa kapagkuwan ay pinagbuksan siya. Nahihiyang ngumiti siya. "Sorry, si Dad kasi, eh. He's making sure that I can't go out." Napailing naman si Willa samantalang si Abby naman ay natawa. "Hayaan mo na. We should get going. They are waiting for is." Tumango si Phoebe bilang sagot. Nanatiling tahimik si Willa samantalang si Abby ay pinasibad na ang kotse papunta sa Panorama. Halos isang oras lang din ang lumipas nang tumigil ang kotse sa labas ng nightclub. Bumaba agad siya ng kotse at sumunod kay Abby. Napataas ng kilay si Phoebe nang harangin siya ng bouncer. "Ilan beses na sinabi sa iyo, iha? Bawal ang menor de edad dito," nakangising sabi sa kaniya ng bouncer na tinapatan din ni Phoebe ng pag-ngisi. Inangat niya sa pagmumukha nito ang driver's license na ikinawala ng ngisi nito. "Guess you're not doing good for your job?" Nakangising sabi ni Phoebe kapagkuwan ay binangga ito sa braso para makapasok. Nang makapasok siya sa loob ay sinalubong siya nila Willa, Abby, Bea, Neri at Sasha. "Gaga ka, ang galing mo! Good thing may driver's license ka na para maipakita do'n sa damuho na iyon!" natatawang sabi ni Bea. "Yeah! Ilang beses ka din namin sinubukan ipasok dito, ha? Hindi biro ang stress tuwing nakikita ka namin na hinihila palabas," ani ni Neri na ikinatuwa nilang anim. "Anyway, let's go! There are so many boys to mingle with tonight! I'm so excited!" kinikilig na sabi ni Sasha na ikinatawa na lang ni Phoebe. Booming party sounds entered Phoebe's ears as she watches the crowd go wild. Balot ang buong lugar ng mga nagsasayawang neon lights. Napatakip siya ng bibig nang makakita ng couple na halos hubarin na ang damit habang nangungunyapit sa isa't isa. "Rawr! So hot!" natatawang sabi ni Abby. Napailing si Phoebe at tahimik na sumunod sa mga kaibigan niya hanggang sa makalapit sila sa counter. Umupo siya si Phoebe sa stool na katabi ni Bea. Hinintay nilang matapos ang bartender sa ginagawa nito hanggang sa mapansin na silang anim nito. "Oh, ladies!" Tumama ang mata nito sa kaniya kapagkuwan ay lumagkit ang tingin. "Oh, so you girls brought a new member, huh?" Napailing si Phoebe samantalang ang mga kaibigan niya ay natuwa. Binata pa ang bartender. Sa tingin niya ay nasa 20s pa lang ito. Kung maharot siya kagaya ni Sasha ay papatulan niya kaagad ang lalake pero hindi niya ito type. She likes a serious but caring kind of man. The one that will spoil her what she wants and the one who's always with her, who will check on her wherever she goes. She lost her smile and a sudden pang of pain got her as she remembers a man who left her. "She's off-limits, Buck!" Willa said, irritated. "Yeah, Buck. She's only here because she just got eighteen!" Neri added. "Hey, you okay?" biglang tanong sa kaniya ni Bea na sinagot niya lang ng pagtango. "Don't worry, girls. I'm taken. Kakasagot lang sa akin, all right," natatawang sabi ni Buck. "So what can I get to you girls?" "Fruit cocktail to me and Bea," Neri said. "Just vodka," Willa ordered. "Just wine for the both of us," Abby said as she gestured Phoebe. "Okie-dokie," Buck, the bartender said as he started to do his magic. Nanatiling tahimik si Phoebe habang naalala ang sakit na naramdaman niya nang iwan siya ng first crush. Even if her friends already said that it's just a plain infatuation she has with her bodyguard, it caused her too much pain. To think that she thought her personal bodyguard will be always with her wherever she goes. To think that she trusted him being really caring for her. Kahit pala na ginagawa lang nito ang trabaho para sa kaniya, a young heart can still be hurt. It's still called love. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD