Leila came from an isolated farm village. Bukod sa katahimikan at kapayapaan na mayro'n ang kanilang nayon, ang kanilang kalupaan ay mayaman sa mineral at mga bulaklak na bihira lamang tumubo sa ibang lugar. Ang kanilang nayon ay malayo mula sa mga sentral na bayan kung kaya naman halos iilang lang ang nakakaalam sa kanilang nayon. Maliban pa sa kagandahan ng kanilang nayon, ang mga tao niyon ay may hindi matutumbasang kabaitan. Mapagbigay at walang bahid ng kasamaan. Leila's village used to be lively and prosperous. Pero ang lahat ng iyon ay nagbago nang bigla na lamang dumating ang hukbo ni Larid para siraan ang kapayapaang ilang siglo nang nasa kanilang nayon. Ang mga kabahayan ay tinupok ng apoy hanggang sa maging abo. Ang mga matatanda at kalalakihan na may sapat na laki ng kata

