[Judd] Pasipol-sipol pa ako pagkababa ko sa kotse ko. I cannot contain my happiness! Feeling ko para akong teenager na sinagot ng nililigawan o yung tipong naka first base sa girlfriend niya. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko na ang mag-ina ko. Ipinangako ko sa sarili ko na this time, i will make up with Clover. Siguro, I will start by courting her again. Napansin ko na lahat ng masalubong kong empleyado ay parang takang-taka sa akin. Daig ko pa ang tinubuan ng ulo sa balikat kung tingnan nila ako. Bakit? Masama na bang ngumiti ngayon? Walang pinag-iba dito sa secretary ko. Malayo pa lang ako ay nakatingin na ito sa akin. "Madz, please send my wife a bouquet of flowers and a romantic designed cake." sabi ko dito pagtapat ko sa cubicle niya.

