Inisa isa ko ang mga dokumento sa mesa ko. Habang salitan sa pag-inom ng kape at pagsubo sa cheesecake. Halos patapos na din ako sa mga kailangan kong pirmahan nang mag ring ang phone ko. Harvey calling... . "Harvey?" ["Hello, my queen. Are you busy?"] "Umm...not really...why? Nasaan ka? Tagal mong hindi nagparamdam." ["Yeah. Been busy for a while. Come. Lunch tayo?"] Tiningnan ko iyong relo ko sa braso. "Oh my! Malapit na palang mag-twelve noon. Asan ka ba ngayon?" ["Nasa labas ng office mo..."] "What??? Wait..." Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan ng opisina ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakatayong bulto ni Harvey ang nakita ko. Nakangiting pinatay ko na ang cell phone ko. "Bakit di ka pumasok?" tanong ko sa kanya. Ngumiti ito. Y

