Nag ayang mag-volleyball si Minnie. At syempre siya din nag ayos ng magkakakampi. So pair kami versus kina Clover at Hannah. Wala ako sa mood maglaro so hindi ko ginalingan. Pinabayaan kong si Minnie ang halos maglaro. Kaya lang napansin ko yung ibang kalalakihan sa gilid na matamang nakatitig kay Clover na halos hubaran na to. Naka-one piece swimsuit ito pero pinatungan naman niya ng shorts kaya hindi naman malaswa ang dating pero pansinin kasi ang bilugang mga hita nito. Kaya ang ginawa ko ay ginalingan ko ang laro ko para mabaling sakin ang atensiyon nung mga nanonood at mawala kay Clover. Mayamaya ay dikit na ang scores namin. Isang puntos na lang lalamang na kami ni Minnie sa kabilang team. And we did it! Nagulat na lang ako nang biglang umakap sa kin si Minn

