[Clover] . Wala ako sa sarili nang pumasok na ako ng bahay. Nadatnan ko sa living room sila Hannah at Minnie, pati na rin si Mama. Nagmano ako sa kanya at inabot ang isang paper bag. "Ma...pasalubong po ni Judd sa inyo ni Papa..." Ngumiti si Mama. "Mamaya ko na lang kakainin to. Hintayin ko muna Papa mo." "Ay! Bakit wala pa si Papa?" nagtataka kong tanong, Usually mga alas-kuwatro ng hapon ay nandito na yun sa bahay. Pero pasalamat na din ako na wala pa si Papa at kung nagkataon baka nagpangita pa kami sa labas. Sh*t! Hindi kaya nasa labas din si Papa kanina at nakita niya kaming......huwag naman sana! "Yung sa kin?" narinig kong tanong ni Minnie kaya pansamantalang nakalimutan ko yung pinoproblema ko kay Papa..

