"Mommy, wake up...." Idinilat ko ang mga mata ko at saka napatingin sa digital clock sa side table. Alas siyete na ng umaga. Sumampa si Cassandra sa kama at tumabi sa akin. "Mommy, wake up. I'm hungry...let's eat...." sabi nito. "Good morning baby..." bati ko dito at saka ko niyakap ito ng mahigpit. Bumaba na ito sa kama at saka hinila ang kamay ko. Napabangon na din ako. Bumitaw muna ako sa kamay niya par magpunta sa bathroom. Naghilamos at nagmumog muna ako. "Come baby, let's go. Anong gusto mong breakfast?" masigla kong aya dito at saka hinawakan ang kamay niya. Magkahawak kamay pa din kaming bumaba sa hagdan hanggang sa dining room. Nagpaluto ito ng chicken nuggets saka scrambled egg. Masaya kaming kumain. "Are yo

