[Clover] "Daddy!!!" "Good morning, sweetheart!" masayang bati ni Judd sa anak niya. Agad niya itong kinarga pagkalapit sa kanya ni Cassandra. "Sweetheart, big girl ka na ah. Mabigat ka na oh...nabibigatan na si Daddy na karegahin ka." nakangiting sabi niya kay Cassandra nma tinawanan lang nito, "Siguro dapat, Daddy....gawa na kayo ng baby ni Mommy kasi iyung baby hindi mabigat karga...." sagot nito, Mabilis akong nilingon ni Judd kaya pinandilatan ko ito ng mata. "Tell that to your Mommy, sweetheart," ayaw paawat na sagot nito kay Cassandra. "Tara na. Baka hinahanap na tayo ni Lolo mo doon sa hospital." sagot ko sa kanilang dalawa. Ngayon kasi ang discharge ni Papa sa hospital at susunduin ko sila. Nakasama la

