"Oh, Pepper? Hindi ka pa ba uuwi? Alas nueve na," bati ni Mam Fely sa akin. "Patapos na din po ito mam," sagot ko sa supervisor ko. "Magpahinga ka naman. Araw-araw ka na lang nago-OT," sagot nito. "Kailangan po mam eh. Malaki pa po ang kulang sa perang pampa-Angiogram ni Nanay," sagot ko. "Wala ka bang malalapitang kamag-anak nio? Aba eh kadalaga mong tao pero daig mo pa ang may asawa at anak na sa bigat ng responsibilidad mo." Napangiti lang ako. "O sige. Mauna na ko. Magligpit ka na din at umuwi ka na. Bukas na lang yan uli," paalam nito. Tumango lang ako dito at saka nag-umpisa na ding magligpit para umuwi. Aaminin kong gusto ko na ding magpahinga. Hinahanap na ng katawan ko yung kama ko sa bahay. Pero kahit papaano ay nakatulong ang pagsubsob ko sa trabaho. Pagdating ko sa baha

