Nanginginig ang katawan ko. Pakiramdam ko ay naninigas ang mga binti ko. Nagdadalawang isip ako at gusto ko na sanang umatras. Hinatak ko ang magkabilang gilid ng denim jacket na suot ko para matakpan ang harapan ko. Sobrang baba naman kasi ng neckline nitong damit na pinasuot ni Candy sa akin. Naiilang tuloy ako. Pati napakalambot ng tela kaya kumukurba sa katawan ko. Mabuti na lang at dis-oras na ng gabi kaya wala nang masyadong tao dito sa convenience store kung saan ako maghihintay sa susundo sa aking sasakyan. Kaya ko ba? Tanong ko sa sarili ko. Iniisip ko pa lang ang gagawin koay gusto ko nang umatras. Pero parang wala na yata akong karapatang umatras. May pumaradang kulay silver na sasakyan sa tapat ko na tumutugma sa plate number na ibinigay sa akin ni Candy. Bumaba ang sal

