"Shut up, Mr. Klarence Montenegro!" Sinunggaban ko ang batok nito at saka buong tapang na hinalikan ko ito sa labi. Malakas ang loob ko na gawin ito. Marunong naman akong humalik. Napractice na ako kay Lyndon. Bigla akong nakaramdam ng guilt nang maalala ko si Lyndon. Oo nga at malabo ang relasyon namin ngayon pero hindi pa din naman kami opisyal na nagbe-break. So parang lumalabas ngayon na nagtataksil ako kay Lyndon sa paghalik ko dito kay Klarence Montenegro. Higit pa doon, Pepper. Dahil ibibigay mo sa lalaking yan ang lahat! Biglang nawala ang tapang ko nang maramdaman kong sinasagot na nito ang halik ko. Naalala ko na naman si Lyndon. "Lyndon..." wala sa sariling nasabi ko nang bitawan nito ang mga labi ko. Bulong lang yun pero alam kong narinig niya dahil bigla siyang tumigil

