Bahagya akong kinabahan. Nakita kong naglalakad na iyung Annika palapit sa akin hawak sa kamay ang isang batang babae. kasabay naman niyang naglalakad sa kabilang side ang anak kong si Zyrus. Pero habang papalapit sa akin yung babaeng Annika daw ang pangalan ay hindi ko maalis na ikumpara ang bihis niya sa suot ko. Simple man ang damit na suot nito ay halatang may kaya ito at elegante. Napatingin tuloy ako sa suot kong medyo kupas nang tshirt at maong na halata mong luma na. Correction, Pepper. Lumang-luma na. "Nanay! Bibili daw po sila ng tinda natin," nakangiti at malakas na sabi ni Zyrus. "T-Talaga po? Naku! Nakakahiya naman. Pinilit po yata kayo nitong anak ko," hindi ko mapaniwalaang tanong dun sa Annika. "Naku, hindi naman. Nagkataon lang na kausap ko siya at kasama ka nga daw n

