"Nanay, pwede sama uli ako pagpunta sa opis ni Ysa bukas?" Magkayakap kaming nakahiga para matulog na. Naihanda ko na yung mga ingredients na gagamitin ko bukas sa mga ulam na lulutuin ko. "At bakit? Nandito naman si Tito Chris bukas. Wala siyang pasok,” tanong ko dito. "Kasi gusto kong makita si Ysa bukas..." sagot nito. Napangiti ako dito.n Ang aga naman yatang magka-crush ng anak ko... “Baka wala naman dun si Ysa bukas," sagot ko dito. "Sige na, Nanay. Subok lang...." ungot nito. "Sige na nga! Basta, behave ka lang dun ha?" sabi ko dito sabay halik sa ulo nito. "Ye-hey!!!" "Kaya matulog ka na," sagot ko dito. "Ang init kasi, Nanay!" reklamo nito. Umpisa na kasi ng summer kaya doble na ang init ngayon. Hindi na kinakaya ng electric fan namin ang temperatura ng paligid. "Papayp

