Nagtagal pa kami sa bahay nila Clover. HIndi ko alam kung sadyang nami-miss niya lang ang mga magulang niya o ayaw niya lang talagang umuwi para may dahilan siyang hindi ako kausapin. "Hindi pa ba kayo uuwi, Clover para makapagpahinga na yang asawa mo?" biglang tanong ni Papa Renato. Lumingon si Clover kay Papa Renato. Atubili itong tumayo. "Sige po. Uuwi na kami." sabi ni Clover. Lumapit siya sa mga magulang at humalik sa mga ito. Tumayo na din ako at nagmano sa mga in-laws ko. "Balik na lang po kami uli." sabi ko. "Naku..ikaw na ang bahalang umintindi sa asawa mo, Judd iho ha." pabulong na sabi ni Mama Clarissa na lalong nakapagpa-guilty sa akin. "Ang mga tunay na lalaki, mahaba ang pasensiya." nakangiting bulong nama

