Pagdating ko sa office ay agad kong hinanap kay Madison ang pipirmahan kong mga dokumento. "Madz, asan na ang mga dapat kong i-sign?" tanong ko. "Boss na kay Ms. Moana po sa loob ng office nio." sabi nito. Napamaang ako. Anong ginagawa ni Moana dito nang ganito kaaga? Tumuloy akong pumasok sa opisina ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Moana na nakaupo sa swivel chair ko. "Bakit ka andito?" tanong ko. "Samahan mo uli ako ngayon Judd...I feel lonely...." pagmamakaawa pa nito. "Where are you going?" naguguluhang tanong ko. "Kahit saan. Basta tahimik at makakapag-isip akong mabuti..." malungkot na sabi nito. Mukhang brokenhearted talaga ang kinakapatid ko. But I can't. Kailangan ko bumawi k

