[Judd] . Kadarating ko lang sa bahay namin. Hindi ko na ipinasok sa bakuran ang kotse ko. Iniwan ko na lang sa labas ng gate. Madaling araw na at ayaw kong makalikha ng ingay. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala si Clover dito sa sala. Malamang tulog na sa kuwarto namin. Hinubad ko muna ang sapatos kong suot para hindi makagawa ng ingay pagpanhik ko sa hagdan. Dahan-dahan akong umakyat at saka dahan-dahan ding binuksan ang pinto. Pinakiramdam ko muna bago ako mabilis na pumasok sa loob tapos ay dderecho na ng CR para makapag-shower nang mabilis para maalis kung anuman iyong kumapit na amoy sa katawan ko. Dahan-dahan din akong humiga sa kama. Kakatulog lang siguro ni Clover kasi hindi man lang siya nagisin

